29 Replies
I'm exclusive pumping po. Not an expert pero nanuod po ko video clips and read articles on how to pump efficiently. Nagstart ako magpump wala pa 1 week after manganak since nahirapan ako sa paglatch. Sa mga nabasa ko hindi daw adviseable magpump as early as that kasi magoover supply daw pero ayoko naman mag FM. So, sa una tinry ko mag pump every 4 hours muna then adjust adjust nalang. Sa umpisa 1-2oz lang pump ko. Then, nung sustained na may 2oz ako per pump, nag increase ako ng frequency ng pump. Yun na yung nagsched ako ng 3 6 9 12 (am and pm) na pump. Pero may times pa din na nakakamiss ako ng pump π from there, unti unti nag increase yung nakukuha ko per pumping session ko. Ngayon, nakaka 8-10oz ako per pump. Sched na ginagawa ko now is same pa din pero hindi na ko nagpump ng 3am minsan, tinutuloy ko nalang pahinga sa madaling araw. And still, may times pa din na nakakamiss ako pump pag busy. Lalo na ngayong back to work na ko. Medyo may effect nga lang stress from work. 1 week palang ako back to work pero bumaba na supply ko dahil yata sa stress and baka dahil narin sa hindi ko masunod sched ng pump. Bawi nalang ako every weekend. 3 and a half month na ko exclusive pumping. Try and try lang mommy.. Aside sa mahal and FM, mas healthy and BM para kay baby π₯° also, stay hydrated. Minimum ko 4 liters of water daily. Haven't tried any lactation goodies/milk kaya wala ako masuggest for that π eat healthy and stay positive βΊοΈ God bless you ================ Sorry napahaba reply ko π natuwa lang ako magshare. Sana makatulong sayo yung experience ko π
Join ka sa Breastfeeding Pinays on Fb momsh, malilinawan ka about sa lahat ng katanungan mo about breastfeeding π Doon ko natutunan ang about nipple confusion (mixed feeding), pros & cons of pumping early, dapat at least 6 weeks na si baby if kailangan mo mag-pump. But if stay at home lang tayo mommy, much better if direct latch lang si baby sa'yo para ma-stabilize na ang milk supply mo, magkakaroon ng nipple confusion si baby if ibo-bottle feed sya. Konting tiis lang mommy if magkasugat man ang nipples, I think we all go through that phase lalo na't FTM. May tips din akong nakuha sa ibang mommies, babaran mo lang momsh ng breastmilk mo yung may sugat para mabilis gumaling. Proper latch is the key para hindi na ulit magkasugat ang nipple π sabi nga nila, ang pagpapasuso sa baby ay hindi naman talaga dapat masakit. Ganyan din po ako nung una, halos mag-give up dahil sa sakit pero pinush ko lang kasi gusto ko talaga EBF or exclusive breastfeed si baby. Ngayon, 2 months & 15 days na sya super naeenjoy ko na ang breast feeding dahil yun ang isa sa bonding namin ni baby. Good luck momsh, kaya mo yan π
Ganyan din po aq mommy nung una halos umiiyak nq kc ngdugo ang nipple q at ngpump aq pero kunti lang ngbonna din sya ng 2 weeks pero hininto q at gnawa q puro breastfeeding lang gnawa q ng hand express aq kc may lumalabas then wag lang asa sa iniinom qmain po kayo madami magpaluto kau ng masasabaw na may malunggay mga tahong dadami po iyan lunudin nyo po srili nyo sa tubig kc malaki tulong nyan qng may sugat pa pahnga mo muna ng isang araw then padede mo ulit masarap na ipadede yan kc makati na hehe manood ka sa utube ng tamang posisyon sa pagpapadede kusa po ngproproduce ng gatas abg dede natin once nasagad ni baby na dedehin o ubusin ang laman kaya more padede more gatas ang babalik positive po dapat bawal ma stress kc lalo hihina lagi mo iisipin na mdami kang gatas ganyan po gnawa q at ngyon kahit wala n malunggay o sabaw madami parin aq gatas milo nlng po iniinom q palagi keep postive lang po 4 months na kmi ni baby kaya kaya mo din yanπππ»
Hys ako din oarang pinang hihinaan na ng loob lagi nasa hospital si baby dah di sya nahihiyang sa formula yung first 2months ni baby mix feed sya kaso humina supply ko kaya nag formula nalang sya ngayon lagi sya nacoconfine 2Months na syang stop sa breassfed. halos 4x a day na din ako nainom ng natalac and ginagawa ko na ding water ang malunghay soup pero walang effect as in oarang 2drops lamg lagi nakukuha ko. Ayaw din po mag latch ng baby ko kahit ginahamitan ko na ng feeding tube ayaw nya talaga halos 5hrs na sya di nadede lasi ayoko sya padedein sa bote but ayaw nya padin talaga dedein yung nipple ko. Di ko na alam ano gagawin ko pkease help po para sa fast relactation π₯Ί
maghot shower ka. massage mo boobs mo saka ka maghand express. Sa pumping kasu hindi naeempty ang boobs. Hindi katulad ng direct latch. At kung mapapansin mo kapag nagdirect latch ka ang sucking ng baby nagiiba ng lakas at bilis. from mabilis na pag suck pero mababaw papunta sa mabagal pero malakas tapos babalik sa mabilis na mababaw. Mararamdaman mo yon dadaloy yung gatas sa ugat ng boobs mo meaning nagrerefill ang boobs mo. need maempty para magrefill. Kung my kilala kang maghihilot, ipahilot mo kasi baka magkamastitis ka. usually matanda ang maghihilot
Mommy.. Ipalatch niyo po muna si baby.. Siya lang din po makakaheal ng sugat ng nipples niyo and makakastimulate ng production niyo po ng milk..atsaka baka mali po flange size niyo din po mommy kaya nagkasugat nipples niyo.. And yung pag pahinga niyo ng 2 days.. Walang pump and latch.. Nagcaucause po yun ng decrease ng supply mommy.. Tanggalin niyo po muna yung formula.. Wag po kayo magmix feed.. Unlilatch lang po kayo ni baby.. Inom ng maraming water mommy.. Kaya niyo po yan.. Iwas stress na lang din po munaπ
Mommy padede mo lang ng padede kasi ako ganun din nong andon pa kami sa Hospital pero nong nakauwi nakami lumabas Yung gatas ko before kasi pinadede ko ng pinadede Kaya ngayon madami na gatas ko at tagas ng tagas..tas wag mo na din e pump Dede mo para si baby masanay sa nipple mo at para lumabas lahat gatas mo..ako nga eh.kahit may gatas ako Yung byanan ko kontrabida hehe sinabihan ako na walang gatas dahil daw maliit Dede ko..pero Yung gatas ko Naman walang hintong tumatagas.
itali nyo po yung nipple nyo para lumabas. ako di po makapag padede nung ilang weeks na si LO ko, sobrang frustrated ako kasi naaawa ako sa kanya kasi alam ko di sya nabubusog nun. ginawa ng mother ko, tinali nya yung nipple ko para lumabas. thank God kasi kahit sobrang sakit nung piniga ni mother ko ng sobra, worth it naman. nakakadede na ng maayos si LO ko. until now, 3mos na sya. pure BF ako. kaya mo din yan mamsh. wag kang susuko. seek help sa mother nyo poβΊοΈ
hiyangan din kasi mommy sa mga supplements. ako medyo nahiyang ako sa energen. natry ko rin kasi mega malunggay, m2, mother nurture, milo with oatmeal.. mas ok din na parate kang busog.. mas marami ka mapupump. ganun sakin.π ang stress andyan lang, pero try to control it kasi nakakalessen tlga ng supply ng gatas. push lang po ang breastfeeding. goodluck po.
kain po kayo masasabaw with malunggay sis tas milo 2x a day at mega malunggay capsule at try nyo dn po yung seaweeds soup sa korean store nabibili lakas po makapag pagatas yun and syempre more water po tayo.. wag muna mag malamig na drinks para di dn mag buo2 yung gatas sa loob ng boobs po.. warm compress dn and massage ng boobs.. unli latch dn po