ako lang ba ganito?
Actually, gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob dito kasi di ko kaya masabi sa pamilya ko to. Hindi ako madamot pagdating sa baby ko, He is 7mos old. Since pinanganak ko xa, di man lang nila napapansin baby ko, minsan, pinapansin, minsan hindi. Pero nagkatagal, lumalaki baby ko, naging interesado cla, Kuya at Asawa nya pla tinutokoy ko, halos araw araw na cla pumupunta dito sa bahay, para lang makita baby ko. Hindi talaga ako madamot, pero sa tagal, napapansin ko, halos ayaw na nila isauli sakin c baby, kahit inaantok na, ayaw pa din ibigay, kahit gutom na, di nila nararamdaman na nakakatampo na cla minsan kasi feeling ko di na nila nirerespeto bilang Ina ng anak ko. Kahit sa pagkain, gusto nila i cerelec kahit alam nilang di ko pinapakain nun baby ko. Tinatago nila pag pinapakain nun. Nakakawalang respeto. Kahit konti man lang irespeto nila pagiging nanay ko. Kontra cla palagi pati Nanay ko kung pinapakain ko ng gulay at prutas at di ko nilalagyan ng asin at asukal. Bat daw ako pa naging nanay ng anak ko. Grabe. Nababastosan na talaga ako. Nakakaiyak sa galit. Minsan gusto ko ilayo sa kanila baby ko para di nila mahiram. Pag sinasabi ko kukunin ko na, kasi bibihisan, papakainin, papadedehen, sagot sakin maya na, di pa naman antok, di pa naman gutom. Sarap murahin pagmumukha! Ako ang Nanay mas ako nakakaalam nararamdaman ng anak ko! Kung iiyak, kukunin sakin kasi cla magpapatahan, ano pala ako sa tingin nila? Yaya ng baby ko? Tapos cla yung magulang? Grabe. Respeto na lang sana. Nakakaiyak. Kahit gusto ko kasama baby ko kasi ako lang mag isa nasa malayo nagwork husband ko, pero this times, di na yun nangyayari kasi kinukuha na nila kahit umagang umaga. πππ ako ang Nanay, pero di nila ako kayang irespeto. Sorry kung nag rant ako dito, minsan di ko na lng kaya. Wala ako masabihan. π’π’