Micro cheating or simpleng paglalandi.

By accident na naopen ko ang isang chat sa messenger ng asawa ko. Ka-work nya ung babae. May asawa din at dalawang anak. Sabi nya sa chat “Kuya namimiss kita. Di kasi Ikaw ang nagdala ng speedboat kanina. Ang lalake ng alon. Natakot ako. Pangalan mo tinatawag ko” with matching smiley emoticon pa. Tanong lang po. Sa tingin nyo ba simpleng paglalandi lang to? O malandi na talaga?? Knowing na May asawa syang tao. #advicepls

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayyy kakainis yan ganyang malalandi, bakit di sila mghanap ng, karapatdapat sknila ,, lam mo ngayon palang putulin mona anong ugnayan nila,, ako nga mas malala pa jan nung una ko sila nkita may, sex scandals pa sila sa cp ng hubby ko,, pero pinatawad ko sya tpos sa sobrang katanggahan ko pasimple pa pla sya ng, pupunta dun at nabuntis pa nya ung girl, sabi ng hubby ko di daw sknya bata or di nya masabi if sknya tlaga kc lagi nman dito si hubby,. Grabe ang sakit sobra,, buntis ako pero nilalandi nya parin si hubby ko,, kesyo para sa bata. Hirap kc pagnaAalala ko para kong, sasabog sa sama ng loob. Kaya ikaw momsh dultukan mo na yan para di na lumalala

Magbasa pa
4y ago

Mahirap pa jan ung lalaki na, nagloloko magGagalit galitan yan parang ikaw pa gagawin masama pra lang matapos argue nyo,naku momsh sinasbi ko na syo.kunwari galit galitan lng yan.Ung babae mismo itext mo,or i call mo.. Wag ka muna magsalita para marinig mo ano sasabihin nya