66 Replies

Bedrest po. Napagdaanan ko yan. 6 weeks okay ang lahat. As a new mom hindi ko alam paano magbasa ng result ng ultrasound. Yung OB na tumingin saakin hindi man lang sinabi na may subchorionic hemorrhage na nadetect sa dinadala ko. Sabe pa nya okay lang tuloy ko lang work ko. Kaya sis better not. Take a rest po.

Bed rest nalang muna momsh..mahirap na magtake ng risk nasa huli ang pagsisisi. Isipin mo kung wortg it ba yung pupuntahan mo VS sa safety ni baby. Minsan ganyan din ako pag magbbyahe, and mas pinipili ko nalang magstay sa bahay dahil iniisip ko si baby. May next time pa naman para puntahan yun. Keep safe! ☺

Meron din po ako niyan kahapon ko lang nalaman 8 weeks palang po saken. pero may heartbeat po siya 184 beats per minute parang sobrang bilis lang po ng tibok ng puso ni baby para saken that time po kase na ultrasound ako kinakabahan po kase ako.

Salamat po kase po first time Mom po ako at ako lang mag isa sa bahay kaya hirap din po ako walang kasama pag umalis na papuntang work asawa ko.

Ganian din ako dati and taga Pampanga din. Inadvice ako ni OB na bedrest hanggat di nia nakita n nwal n ung subchorionic hemorrhage. Take mo meds na prinescribe sayo then bed rest ka muna.. After mawala nun pwde kana magbyahe. 😊

Laging nasa huli pagsisisi momsh. Mahirap na sabihin na "sana" di nalang ako nagbyahe. Wag na magrisk momsh. May kilala ako Pampangga to Cavite naman siya nagbyahe, ayun dinugo siya at nawala na ng tuluyan baby niya. 1st baby pa naman. ☹

2 mos sis.. 1st trimester palang.

Same with me, 8 wks I had SCH. Nakabed rest ako and dami pampakapit na meds. Cleared na after two weeks. Best talaga magbed rest and take meds para safe si baby. Mas magastos mamsh kapag lumala pa laki ng SCH.

iwas muna sa byahe much better magbedrest at punta ka sa ob mo para mabigyan ka ng gamot pampakapit mahirap pag hindi siya mawala 🙂 for safety iwas muna sa malayuang byahe lalo na delikado ang condition mo

Yes pwede naman po normal po ung sub hemorrhage niresetahan po ba kayo ng duphaston pampakapit po sya. Ung sakin po ginawa nya 2x a day and mwawala din daw sya after 2 weeks ganun daw talaga pag early pregnancy

Tlaga sis? Ako naman pink and isang isang spot lang hingi ka kaya ng bed rest sa ob mo para di ka muna mag byahe. 2 to 3 weeks lang naman after first trimester mag sussubside din ung morning sickness and fatigue maselan tlaga ung first 3 months or up to 12 weeks l.

Wag kang magbyahe muna bed rest ang kailangan mo at meds, inumin mo ung binilin ni ob sayo. Ako uwian araw araw bulacan to santolan, sabi ng ob ko magpadestino na ko dito sa bulacan kaya lang malabo.

big nono. Bedrest ka sis. ako naka confine. nkasuero ung duvadilan, plus I'm taking Duphaston 3x a day and Utrogestan nilalagay sa puerta. kase twice ng size ni baby ung subchorionic hemorrhage ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles