Parang hindi Buntis.
8weeks na po ako, and by Feb 18 pa yung schedule ng check up ko. Normal lang b na parang hindi ko marmdaman na buntis ako? Wala kong morning sickness, pero pa minsan naduduwal lang ako lalo sa hapon. Wala rin ako masyadong pili sa food. Ang madalas lang is lgi ako naiihi. Nagwoworry lang kasi ako, hindi ko na mahintay ang Feb 18. #1stimemom
Same sis hehe I'm on my 9 weeks and 5 days. Nagsusuka ako sa umaga, malakas ang pang-amoy at panay ang ihi. Wala din akong pili sa foods kung ano nanjan nakakain naman ako ni hindi nga rin ako inaantok hahaha so I think blessed tayo na hindi maselan sa pagbubuntis lalo na ako na 1st pregnancy, parang bilbil nga lang ang tummy ko pero healthy naman si baby 165 bpm ang heart beats nya last time na nagpa-ultrasound kami nung Jan. 25, 2022.
Magbasa paAko din ganyan. :) Hindi ako nagsusuka or antukin at di din ako naglilihi. Malakas lang pang amoy ko at freq. urination. So I think swerte tayo kasi di tayo maselan. Madalas pa din ako magworry till now, I’m at 16 weeks pero wala pa din baby bump. Siguro normal magalala since first time natin at clueless tayo pero try not to think too much para sa health ninyong 2 ni baby. 😘
Magbasa paAyy akala ko ako lang weird na gabi lang nakakaramdam na naduduwal. Morning sickness padin daw pa yun kahit sa gabi. Ilang days lang din ako ganun basta nakaamoy ng naggigisa nattrigger. 🤣 Maswerte na din tayo at ganun lang hindi kagaya sa iba na halos di na daw po makakain. 10weeks 4days ang sakin. Di ko pa din makita baby bump kasi sadyang malaki bilbil ko. 🤣
Magbasa paHala same tayo sis 8weeks preggy ako ngayon at feb 18 ang checkup ko. ganyan din ang feeling ko na parang hindi buntis nakakaloka nga e, duwal lang ako anytime nangyayare napapaisip nga ako minsan e, na 'Buntis ba ako?' HAHAHAHAHA! pero thankful pa din tayo sis kasi hindi tayo maselan mag juntis😇❤️
11weeks and 3days na po ako ganyan din ako walang nararamdaman sa tyan at digaano nasusuka nag susuka lang ako pag naamoy ko yung pabango ng asawa ko at yung lucky me beeg pala ihi lang ako kasi malaks ako sa tubig ehh parang wala lang parang normal na tummy lang malambot pa tummy ko 😂😂
Isa ka sa mga blessed mommy.. iba iba po ang bawat pregnancy journey and laki ng tyan ng bawat mommies. As long as healthy po ang mommy, healthy din c baby. 😊 iwasan po mastress at mgworry. Ienjoy lng po ntn ang pagiging preggy. ❤️
Swerte mo nga di ka naglilihi.. Ako nga malapit na manganak pero bahong baho pa din sa sinaing at medyo mapili sa ulam.. Yung baby ko hindi msyadong malaki sa ultrasound dhil cguro nalilipasan ako ng gutom pg di ko gusto yung pgkain..
Same here po. No morning sickness since 1st trimester. Hindi rin maarte sa food o kahit ano. Iba-iba naman po kasi ang kalagayan ng mga preggy moms. Normal lang din yan. Make sure to take your prenatal vitamins and iwas stress.
same here walang morning sickness pero antukin ako at ma-cravings nung una nag worried ako pero nung nag pa check up nako at binigyan ako referral ng tvs okay naman lahat pati si baby swerte lang daw talaga pag hindi maselan
Iba iba po kasi tayong magbuntis eh. Hehi! So in my case, di ako nka experience ng morning sickness sa 1st and 2nd trimester ko. Ngayong nasa 3rd na, yun ko lang na experience. 🤣
Household goddess of 2 rambunctious cub