8 weeks and 6 days miscarriage

8weeks and 6days pregnant po ako. Hindi ko alam na buntis ako. Napabayaan ko ang sarili ko, stressed, depressed and my anxiety ako that time dahil iniwan at niloko ako ng partner ko. Sa sobrang lugmok ko di ko inintindi ang sarili ko. This last few months akala ko may menstruation ako kasi may nalabas sakin na brown brown siya pero konti lang. Then hindi natagal ng siya ng ilang days gaya ng sa regla. So this May 22, 2023 akala ko may menstruation ako. Sobrang sakit ng puson ko na halos di ko na kinaya kaya nagpunta ako sa hospital. That time sinabi ko sa doktor ang mga nangyari at naramdaman ko sabi niya may tendency daw buntis ako. Nakipagtalo pa ako sa kaniya kasi last na may nangyari samin ng partner ko ay Feb 8. Then para ma-confirm may pinasok siya sa ari ko and yun na nga po. Confirm na buntis ako and no heartbeat daw ang baby ko. Hindi ko alam ang mga nangyari. Lutang ako that time. Takot, sakit at galit ang naramdaman ko that time. That day ay niraspa din ako. Hindi ko na naintindihan ang sinasabi sakin ng doktor sa sobrang lutang ko. Walang nakakaalam na naraspa ako sa pamilya ko. Yung reseta at resulta ay tinapon ko at pinunit ko dahil sa takot na baka makita ng magulang ko. Kahit yung hiningi kong copy nung parang ultrasound para kahit papano ay pinilunit ko pero binuo ko ulit. May iniinom akong mga gamot kaso di ko na alam ang pangalan kasi kada inom ko tinatapon ko agad ang balat para di makita sa bahay. Hindi na rin ako bumalik pa sa ob kasi wala naman daw problem after nung niraspa ako. Pinagpahinga lang ako. Now, ano po kayang gamot ang pwede ko inumin yung mura lang po dahil no budget na po ako. Ang iniinom ko po now is paracetamol para sa lagnat. Any recommendations po? First baby ko po sana yung baby kaso ganito po nangyari and wala po akong mahingan ng idea sa mga pupwede kong gawin. Yung bawal hindi ko alam masyado. Please respect po. #respect_post #respect #miscarriage #misscarriage8weeks

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana tinabi mo na lang po reseta para makabili ka at dapat nahfollow up check up po kayo. The best revenge po is mahalin at alagaan ang sarili. Know your worth and don't accept anything less so don't give yourself hard time na po. Love yourself more.

tinapon mo reseta tas ayaw mag pa follow up sa OB.. now your asking us for a medicine? na raspa pa di kami ang right person para mag reco ng gamot sayo.. you need assessment.. Pa check up ka sa OB..