7 weeks pregnant

7 weeks pregnant, sino po kasabayan ko mamsh? Ano po nararamdaman nyo? Wala po kase ako kahit anong symptoms, normal po ba ito? Ano po nararamdaman nyo within this stage po?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

I think iba iba yata ang time na mag lihi or morning sickness sa mga buntis, kasi ako noon mag 2 months na nung nakaramdam ng mga kakaiba di makakain ng kahit anong normal na food, isa lang tinatanggap ng sikmura ko tinapay lang na plain loaf bread or tasty sumabay pa ang allergies 😭 noon

me as a FTM po, nung 7 weeks po ako never din po ako nakaranas ng mga symptoms kaya diko pa po alam na preggy ako that time 😅 dipo ako nagsusuka ang nararamdaman ko lang po non is para akong may lagnat every morning hehe

me po mahirap... ayaw ng tubig...kapag uminom ako naisusuka ko kinain ko...kaya kada uminom ako magsusubo ulit ako ng anything na matamis para makontra ung suka... anytime nasusuka...umaga tanghali hapon gabi

normal naman sya momsh. 3rd pregnancy ko na 'to ngayon. from 1st preg to 3rd wala ako nararamdaman na lihi or sickness. iba-iba po kasi ang katawan natin. both baby boy sa 1st & 2nd preg ko

7 week preggy din..ganyan din ako pero advise sa akin ng mga hipag ko para di daw ako magsuka kain daw po ng maasim o di kaya candy after kung Kumain o di kaya before kumain

3rd pregnancy ko na to Ngayon sa past 2 pregnancies ko grabe selan ko maglihi panay suka din both girls Yun. this time Wala Ako kahit anung paglilihi o pagsusuka 🤣 sana boy na

4mo ago

wala akong ka selan selan netong pagbubuntis ko, FTM. boy po sya. 🥰

normal lang po yan, ako po mag 4 months na wala pa din po ako kahit ano nararamdaman nagtanong na rin po ako sa Ob normal daw po un iba iba po kasi tayo pregnancy journey

7weeks preggy here mamsh, sa ngayOn wala nappansin ko lang humina ako sa pagkain datii ung mga paborito ko nauubos ko ngaun swerte nalang Kong makalahati ko Ang pagkain

8 weeks preggy here.. same mi, wala po akong any symptoms like morning sickness or what. para lang akong nilalagnat tuwing gabi at nagkakaroon ng abdominal cramps.

7weeks pregnant subrang hirap nararanasan ko Ngayon suka ng suka Hindi Maka kain ng mabuti tanging lugaw lang gusto ng tyan ko 😥

4mo ago

same po tau😔 lugaw lang ang gusto ayaw kong makaamoy ng mga kahit anong luto lagi din akong nag susuka nahihilo