SUKA AKO NG SUKA
7 weeks na po ako and lumala lalo ang pagsusuka ko. Di ko po alam kung dehydrated ako, nagugutom, sobrang busog, o nagccrave ng pagkain. Basta before ako kumain, nasusuka ako lalo na kapag naaamoy ko niluluto ng asawa ko. Ganun din after, isusuka ko rin lahat ang kinain ko after few minutes kaya kapag lumabas ang pagkain parang nginuya ko lang. Pinipilit ko lang kumain dahil need ko uminom ng mga gamot na nireseta sakin ni doc pero after few hours eto na di ko na kaya. Eh nanghihina na po ako sobra ang hirap hindi matunawan... Niresetahan na ako ng Geltazine ni doc kasi sinisikmura na ako pero ang pagsusuka ko. Matindi din po ako magcrave pero hanggang tatlong subo lang ako ng kinecrave ko kaya minsan ang pagkain namin ng asawa ko pang isang tao na lang kasi nasasayang ko. Kapag ayaw ko na, siya na uubos ?Normal po ba to sa stage ng pagbubuntis? Halos wala na kainin???