HEEEELP ??

7 months turning 8 months preggy next week October 1, nagkaroon ako ng brown discharge so ginawa ko magsearch ako ano ibig sabihin pag kulay brown ang discharge and most of all post or shares ng ibang mommies like me nag llabor na sila, so naalarma na ako. October 2, nagpacheck up ako sa Health Center samin at sinabi ko ung concern ko, pinag ultrasound nila ako. Okay naman ung result, okay si baby at sarado pa raw cervix ko. They advised me to go to the hospital. October 3, pumunta ako ng Hospital and sinabi ko nga na 3rd day ko na nagkaroon ng Brown discharge. Nirequest nila ako mag cbc and urinalysis at Binigyan ako ng reseta ng OB ko dun na maginsert ng Progesterone every night. October 7, nagstart na ako mag insert ng progesterone. October 8, nag pa cbc and urinalysis na ako pero next week pa makuha result. October 9, Gabi nun nagstart na maghapdi ung vulva ko, pagkinakapa ko parang may rash kasi medyo dry sya at kapag lumalabas ung progesterone na iniinsert ko humahapdi sya. Nahihirapan na ako matulog nagigising ako ng madaling araw sa sobrang kati at hapdi. October 10, nagdecide ako i stop ung paglagay ng progesterone sa takot na rin na baka mas ma irritate ung vulva ko dahil sa progesterone na lumalabas sakin. And today October 12, nag cr ako and nakita ko na Yellowish ung discharge ko ??. And again Nagsearch ako about sa yellow discharge during pregnancy sabi may infection daw pag ganun. As of today 1PM 5 times ko palang na feel galaw ni baby. Lately rin kasi d na sya gaanong naglilikot, normal din po ba yun na d na sya gaanong naglilikot. Pa advice naman po ano gagawin. SALAMAT

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ung sa paglikot ni baby naman, case to case naman un. minsan kc may mga nagbubuntis na maagang nagleless ung galaw ni baby (like as early as 7mos) lalo na pag malaki si baby. maagang sumisikip ung space nya sa loob. kaya mas prefer nya lang magsleep. plus ung position din nya, if breech ba or bumaba agad. as long as gumagalaw pa rin sya at mabilis pa rin ung heartbeat pag dino doppler, ok sya nun

Magbasa pa
5y ago

Ah cge po salamat po. Okay naman po hb ni baby. Akala ko po kasi pag nagstart na mag galaw galaw si baby hanggang sa kabuwanan ganun parin ka frequent ng pag galaw nya thank you po sa pag clarify.

dear, wag mo po ihinto si progesterone. binigyan ka nyan ni OB, meaning may pinapa agapan sya sa loob. dapat inexplain nya rin un sau. may onting discomfort nga ung progesterone sa first few days. may lalabas na unusual. pero mawawala din un kalaunan.

5y ago

Nagstop muna po ako kasi po ung sa vulva ko po. Mahapdi, so baka may sugat po. Nung nakaraan kasi ung lumalabas po na progesterone sakin dumidikit sa vulva ko na makati at mahapdi ngaun 😢😢