:(( ES
7 months pregnant nako, going 2 years na kame this coming April 16. Proud na proud ako date sa bf ko dahil never ko ini expect na lolokohin nya ko or titingin man lang sa ibang babae. Sa loob ng 1 taon mahigit wala kameng pinag awayan o kina selos ko o nakita ko sa messenger nya na something. Pero nito lang nakaraan nabasa ko may ka chat sya at nakikipag landian sya sa isang babae. Sobrang sakit nung nabasa ko yun at di ako makapaniwala. Pinatawad ko sya pero nung isang beses umuwi ako sa bahay para mag dala ng relief goods dun muna ako natulog sa pamilya ko dahil namimiss ko na sila, kaya umuwi muna si bf ko sa house namin. Parang nag ka phobia nako kaya lage ko sya sinasabihan ng "wag mo ko pagpapalit ha" "wag ka makikipag chat sa iba" pero kinabukasan pagkagising na pagkagising ko meron na naman ako nabasa. Sobrang sakit. Naiisip ko bat ganun? Porke ba buntis nako, tumaba nako, lumosyang nako ganun na yun? Maghahanap sya ng bago. Napansin ko kase ganun na ganun yung paraan namin magchat nung bago palang kame. Videocall send ng pic. Nakaka stress. Nababawasan na rin yung lambing nya sakin. Hays, madami ako gusto sabihin pero kulang na kulang pa to. Gusto ko lang mag rant ngayon. Ps :katabe ko sya ngayon, nagpapalambing ako pero tinulugan nya lang ako. Tapos 5 araw na kameng di masyado nagkaka intimate, hinde libog ang sinasabe ko hinde lang ako sanay na ganun. Dahil hinde sya ganto, sobrang sweet at lambing pa niya date.