Bakit nagmumuta ang mata ng bata? Ang baby ko ay 6 months old

6months old na po baby ko napapaisp po ako kung bakit po nagmumuta ang mata ng bata. Una ung kaliwa, tapos mga ilang araw yung kanan naman po. Sino pong mga mommies ang nakaexperience nito sa baby nila? Nagmumuta lang naman po at nagluluha pero hindi naman sya namumula. Help naman po baka may mga suggestion kayo dyan. Thank you!

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal na eye discharge--ito ang dahilan para sa karamihan ng kaso ng pagmumuta ng bata ng bata. Tinatayang nasa 5%-10% ng mga bagong silang na sanggol ay mayroong blocked tear ducts. Ang karaniwang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng undeveloped na tear duct na naaayos rin pag lumaki na ang bata. Dahil sa tear ducts na ito, naiipon ang discharge at nagiging muta. Hindi naman kailangan ipagamot ang ganitong kondisyon, pero may ilang bagay na maaaring gawin para komportable si baby.

Magbasa pa