Mababang Inunan
6 months preggy here. Nakita na gender ni bby 🥰 Ask for advice kung pano mapataas ang placenta for normal delivery. Kasi mababa daw po inunan ko based on my Sonologist. #advicepls ##pregnancy #firstbaby


same sis natatakot ako na baka ma-cs dahil sa placenta previa.. acc to my OB nauuna daw ang inunan ni baby kaysa sa knya kaya low lying talaga ako. Last ultrasound ko is 24 weeks pero I am now 30 weeks na.. ang advise sa akin ay sa ikaw 35 weeks na daw ulit ako magpascan.. kahit hindi ako sinasabihan na magbed rest ay nagbebedrest talaga ako now. Sana umikot na rin si baby kasi breech pa rin ang presentation nya. Binabantayan ko rin ang sugar intakes ko kasi may gestational diabetes ako.. so far controlled na naman sya pero careful pa rin ako to avoid complications kay baby.. mababa rin ang hemoglobin ko but 2x a day naman ako nainom ng ferrous.. bale last cbc ko ay umabot na naman sya sa reference pero continue lng ako sa pag inom. Madalas rin akong nagkaka acid reflux.. normal daw un dahil naiipit na talaga ni baby ang stomach bag ko. Let's pray na maging okay lahat bago lumabas si baby.. Sana mag normal delivery tayo🙏❤️
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent