worried
6 months preggy na ako ..pero diko ma iwasang kumain at uminom ng junkfoods at softdrinks . tanong ko lng po hindi po ba bawal kumain ng junkfoods at uminom ng softdrinks ??

Better quit muna sa junk foods at softdrinks. Nung ako kase sobrang selan sa paglilihi di na nakakakain bukod sa pringles 😅 wala akong choice kase lahat ng kainin ko sinusuka ko pero pag chichirya hindi so yun ang ginawa kong pantawid gutom pansamantala. Tapos softdrinks araw araw kase nasusuka talaga ko kapag di nakakainom kahit kalahating baso lang. Ayun nung last week sinumpong ako ng acid reflux, pag gising ko ng umaga yung dibdib ko sabrang sakit parang tinutusok ang puso ko naiyak na ko sa sakit tinatawag ko na mama ko. Nagpunta pa kami ng OB at ospital para magpa ECG pero normal naman heart ko. Inatake lamg daw ako ng acid reflux. Sobrang sakit sis as in, yung pagakyat ng sakit mula sikmura hanggang dibdib naiiyak nalang ako
Magbasa pa
Momi of Little Soldier