5mos preggy ako at sobrang insecure ko. feeling ko sobrang panget ko, sobrang taba, ang dami kaseng changes na alam ko naman na mawawala din pag nakapanganak pero hindi ko parin maiwasang maawa sa sarili ko. alam ko naman na dapat maging greatful ako kase ang lahat ng ito ay may kapalit na napakagandang blessing. minsan lang talaga dumadaan yung feeling ko sobrang nakakaawa na itsura ko tapos pinaghahanapan ko yung asawa ko. nagseselos pa ko (hindi ako selosa dati) pati sa mga nili-like nya sa fb. ang dami kong demand sa kanya ang dami kong tampo, kahit sinasabi ko lahat naiisip ko lang na baka bigla nalang syang mawalan ng gana kase hindi lang katawan ko nagbabago pati ugali ko....?