masakit na pagpapabreastfeed

may 5days old newborn po ako sobrang sakit pag naglalatch sya sakin halos nanginginig ako sa sakit tuwing naglalatch sya...help po wat to do po

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan ako first 2 weeks ko, left nipple ko sobra sakit na tapos di nya gusto right kasi maliit. Madami nagsasabi na wag mag pump ng very early, dapat nasa 5th week. Pero yun Pedia ni baby, very cool, sa kanya always, you may or you may not, basta di nakakasama sa baby. I can pump daw if i want. So, to rest my left nipple, i used an electric pump para macontinue ang stimulation ang mapahinga sya kahit 2 days. Offer ko lang un right lagi. After 2 days ok na yun left nipple ko and medyo lumaki na ang right. It gets better naman pala. Masakit talaga sa simula kahit alam mo theoretically pano magpa latch. Siguro kasi maliit pa mouth ni baby. Tapos both of you are still learning.

Magbasa pa

mommy, while normal na magsore ung nipples natin dahil nagpapadede tayo, usually sumasakit din yan kung di po maayos na nakalatch si baby. double check mo po kung maayos position nya while latching para hindi po magsore dede mo..also, after padede, squeeze ka breastmilk mo at ipahid mo sa nipple at areola area mo para hindi magcrack at di sumakit. you can also use coconut oil. Good luck on your breastfeeding journey, congratulations!

Magbasa pa
6y ago

@graciel make sure po na nakalatch si baby ng buo. yung buong areaola mo dapat nasa loob ng bibig ni baby, hindi yung nipple lang. panoorin mo to, mommy https://youtu.be/Ec9Q7BVuur0 also, sali ka sa Breastfeeding Pinays na group sa FB. madami ka matututunan. PS: Guys we are here to help each other, not let each other down. Be positive. Don't spread negativity.

Sabi nung nurse na nagturo dati sa ate ko dapat daw kasama din ung buong areola kapag nagpapadede sa baby to lessen the pain daw po. Meaning di lang po basta subo ng nipple kundi dapat tinutulak din nyo po ung boobs nyo para masama pati ung areola habang dumedede si baby nyo tska para mas madami din sya mainom kasi naglalabas din po ng gatas ung mga parang maliliit na umbok dun sa areola nten di lang po sa nipples.

Magbasa pa

Hello mommy, aralin niyo po ang proper latching madami po kayo mababasa sa Google o di kaya naman sa YouTube. Most of the time kasi yun po ang nagiging sanhi ng pain kapag naka-latch si baby. 😊 Importante din po kasi ang tamang latch para makuha ni baby ng maayos yung breastmilk. Practice lang mommy. 😊 Keep breastfeeding! ✨

Magbasa pa
VIP Member

Dede-cation lang mommy. Ganyan po talaga sa lalo na sa first week and months ng pagpapadede sobrang sakit. Pero think of ur baby po, para sa kanya po yan. Right nya po na makapag breastfeed. Super convenient ng breastfeeding ka mommy. Mawawala din po ang sakit at masasanay ka din po. Goodluck! Keep on latching lang po ;)

Magbasa pa
VIP Member

Tiis lang sis. Ganyan rin ako noon. After ako manganak wala tlganh milk lumabas sa kin. But pina latch ko lang ng latch ung baby ko then drinks lots of liquids (sabaw,milk etc) after 5days lumabas na milk ko. Kaya mu yan. Tiisin mo lang ung sakit mawala rin din yan :)

VIP Member

Tiis lang mommy!! Pag nag sugat na and natuklap na yung sugat hindi na yan sasakit. 😊 Ganyan din ako noon kasi pinilit ko ibreastfeed si baby hanggang lumabas milk ko. Isipin mo nalang para mabigay mo yung pangangailangan nya 😊🤗

VIP Member

hala moms ganyan din ako noon kay bby..yung tipong pag dede n sya maninigas na ktawan ko sa subrang sakit😭😁😁 continue mo lng pbf mo mawawala din po yan tiis tiis ka lng cguro mga 2wek gagaling din yn😊

6y ago

mga 2weks po tiniis ko tlaga ang skit ksi sbi ng mama ko c lo lang din nmn mkakapagpagaling noon..😊

Ako ganyan.. first time as in umiiyak ako sa skit na naiinis pa nga ako sa anak ko Kasi nagdudugo n tlga pero tiniis ko Yun but ngayon okay na 😊 1 week and ,3 days old na baby ko 💕

6y ago

Welcome po 😊

Proper position ang gawin mo pag magpapadede chaka ganun talaga sa una masakit kasi wala ka pang masyadong milk kaya masakit talaga tiis lang mum tapos massage mo nalang