Di makatae si baby

5days na po di tumatae si baby ko. 2months and 9days old po siya. Pure breast feed. Ano po ba gagawin para maka poop na siya? 😢

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung 5 days hindi tumatae si baby breastfeeding pa, masasabi kong normal pa rin. May nabasa kasi ako na irregular talaga ang pagdumi ng baby na breastfed. Yung baby ko dati 6 days di nakadumi. Pero nagconsult ako sa pedia. Sabi niya basta walang discomfort at nakakakain naman or dede, okay lang. pero kapag may naramdamang sakit si baby, need na ipacheck up agad.

Magbasa pa

Nung 8 months ang baby ko, umabot siya ng 10 araw bago mag-poop, na nakakabahala dahil dati ay regular siya. Sabi ng pediatrician, normal ito sa breastfed babies habang nage-develop ang kanilang digestive system. Basta’t walang discomfort o iba pang sintomas, okay lang. Bago mag-start ulit ng regular na pag-poop.

Magbasa pa

Nung 6 months ang anak ko, umabot siya ng 12 araw bago mag-poop. Ayon sa doktor, normal ito sa mga breastfed babies kung wala namang discomfort. Pinayuhan nila akong obserbahan ang baby para sa anumang sintomas ng sakit o pagbabago sa behavior. Tumawag ako sa doktor para sa reassurance, at okay naman siya.

Magbasa pa

Nang 2 buwan ang anak ko, umabot siya ng halos 14 araw bago mag-poop. Nakakastress, pero sabi ng pediatrician, normal ito sa mga breastfed babies. Basta’t maayos ang pagkain at tumataas ang timbang, okay lang kahit matagal bago mag-poop. Bawat baby ay iba, kaya huwag mag-alala kung mangyari ito.

Hello mommy! Sabi ng OB ko normal lang sa mga breastfed babies ang may irregular na pagpoop. Sa experience ko rin kasi parang 5 days hindi tumatate si baby. Pero parang may discomfort siya sa tyan maya pinacheck up ko pa rin ulit. So para mas sure, better na dalhin siya sa doctor.

Super Mum

Hindi po talaga everyday nagpopoop ang baby pag po pure breastfeeding kase po mas inaabsorb ng katawan ni baby yung nutrients pero pwede nyo i-massage gently yung tummy ni baby araw araw and do the bicycle exercise po kay baby. Meron po neto sa YouTube kung paano po eto gawin

4y ago

Napacheck mo na siya mamsh?

Mommy, according to Doc Joanne Pediatrics and Lactation normal sa isang breastfeed baby ang di mag poop everyday. Search mo sya sa FB and napaka informative ng page nya. Hope this helps! Happy breastfeeding! ❣️

Bili ka soposotory s pharmacy, sbhin mo pang infants, ipasok mo s labasan ng poops ni baby, Ung pamangkin ko gnyan, 1month old palang xa.. Pagkapasak s knya lumabas agad poops niya,

advise naman po okay lang po ba na di nakakadumi si baby 3weeks napo syadi nakakadumi . magturning 3months naden po sya lagi ko po ginagawa ung Iloveyoumassage at Bycle breastfeed po

ganyan din baby ko before ako mag introduce ng solids. okay lang daw sabi ng pedia nya kasi ang breastmilk is naabsorb lahat ng katawan ni baby