Normal lang po ba na sumasakit ang puson at balakang?
5 weeks pregnant po. Salamat mga Mommies.
Salamat po sa mga kasagutan nyo.. Nasabi ko na po ito sa OB ko. Pinagbebedrest po ako. And also sa urinalysis po mga mi ay may UTI pala ako. Malakas naman ako uminom ng tubig before at hanggang ngayon, di rin mahilig sa maaalat. Bakit kaya ako nagkaUTI?
Hindi po normal. Sabihin mo yan sa ob mo. Nagkaganyan ako sa 1st pregnancy ko, pwedeng sign daw na humihina kapit ni baby 7wks ako nun. Niresetahan ako ni ob agad ng pampakapit at sabi pahinga daw lagi.
Sabi ng OB ko, normal lang naman daw ang sumasakit ang puson at balakang as long as nawawala sya if we change position. Ang di normal yung consistent ang pain, better consult your OB.
punta kana kay OB mo sis . ganyan nagsimula yung sakin before i got my miscarriage last nov 19 , 5weeks and 6days qko nun . mas okay na malaman ni OB mo para sa safety na rin .
aumakit balakang ko at puson ng mga 3weeks po ata or 4weeks at normal lang naman daw yun. as long as dika naman dinudugo, pero much better to consult
gnyan dn po ako .6 weeks ko na nlaman na buntis pla ako..akala ko drating regla ko.kc sumsakit ang puson at balakang ko pero d consistent ..
opo,normal mens ko..sinearch ko yun pala kaya sumskit .gawa ng implantation symptoms..halintulad dn ng sintomas n darating na regla
ako nga sumaskit puson at balakang ko pero di pa ako sure kng buntis ako kc 39 days na akong delayed...
ako tong 13 weeks 15weeks kuna nranasan mga yan