Dapat ko na bang ikabahala?

5½ months na si LO mga mii pero di pa rin sya marunong dumapa, dapat ko na bang ikabahala to? #firstmom #firstbaby #momworry #FTM

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy hindi lang tayo mag aantay dapat mag encourage din tayo na ma achieve nila mga milestones nila sa Tamang edad .. hindi rin ibig sabihin e pipilitin natin sila .. baka kasi na oover sa Karga o di kaya hindi naeexercise kaya hindi agad nakadapa si baby.. more tummy time po atleast 3hours in a day kahit putol putol basta maka 3hrs at hindi sa bed... mas maganda sa floor siya tummy time para mas lumakas mga muscles niya Pag sa bed kasi malambot masyado e.. at bili ka ng floormat para safe si baby .. kaya yan ni baby mo mommy🥰 nuod ka din sa YouTube mga Tamang exercise Kay baby at massage

Magbasa pa
2y ago

Consider mo din po kung premature ba si baby or fullterm... if premature possible talaga may delays dahil mas bata pa siya compared sa mga kaedaran niya . hugs Mommy kaya ni baby yan tiwala ka lang🙏 may 2months pa naman bago mag 6mos baby mo... para sa neck control try mo din siya buhatin ng patalikod sayo yung parang nakaupo hayaan mo siya maglingon lingon sa paligid tapos pakitaan mo ng toy sa harapan at move mo para makita kung sinusundan niya Pag ganyan mappractice niya ang neck control niya... may range naman kung hanggang kelan dapat maachive ni baby mga milestones Pero pwede din naman ma late wag lang aabot sa 1yo na di pa siya kahit nakadapa o nakakaupo manlang . si baby ko hindi ko masasabi na advance at hindi din late.. nasa average lang siya sa milestones niya.. according sa pedia ang advance sa baby ko pagsasalita niya at yung bulas niya..

not really baka naman may sarili lang syang time. tulungan mo.lang din. nagtutummy time ba sya kahit nung newborn pa lang? mga exercises at play time. dun kasi yan nagsstart madevelop.

yung lo ko date di din sya mkadapa..7months na sya nung mkadapa sya..sa sobrang laki nya at taba di na nya kaya ang katawan nya..ayun nung mg7months natuto din nmn na syang dumapa..

hindi po. may mga bata po talagang mahina ang braso . mi exercise mo po lagi ung braso nya

early pa naman mi. mag tummy time kayo or assist assist mo sya gang matuto