Hindi makatae

5 days today hindi padin tumatae yung anak ko ano po pwedeng gawin para makatae napo? breast feed naman po ako kung magbobote naman siya isang beses lang sa isang araw. Nagwoworry na kasi ako Sana matulungan niyo ako. 2 months 13 days palang baby konat first time mom po ako . #Hindimakatae

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

1 week maximum na di magpoop ay normal sa breastfed babies, basta di iritable/fussy at di matigas ang tiyan. Always do tummy massage like yung ILY (watch it sa youtube) pati yung bicycle kicks exercise, very effective yan for my baby (everyday namin ginagawa, 2x a day). avoid sundot sundutin ang pwet para makapoop ha, this may damage yung pwet ni baby kung mali ang way ng pagsundot (unless sinabi ni pedia na gawin yun). if after a week ay wala pa rin, pacheck up na po sa pedia.

Magbasa pa