Hirap gisingin para e BF

5 days old na si Baby Girl. Pero may napapansin ako sa kanya na ang hirap nya gisingin para dumede. Noong nasa hospital advice lagi padedein si Baby every 3-4hours. Ngayon, ang hirap nya gisingin para mag dede. Breastfeed/First time mom. Nag woworry ako na ndi cya mapadede ng tamang oras. Like kahapon, Before mag punta sa pedia for vaccine napa dede ko cya, tapos pag uwi tulog na cya maghapon, tapos napadede lang ulit before bumalik sa pedia. Kinagabihan, naka dede cya from 8-11Pm ng mga 4 times. Ang namonitor ko time sa pag dede is yung 11:02 nag start mag dede cya tapos 11:13PM cya natapos. After nun hanggang ngayon 3Am ng madaling araw, tulog lang cya. Hindi ko pa rin ulit napapa dede. Any advice po? Minsan nalilito ako if tama ba or ano dapat gawin? Since first time mom.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy every 2-3 hrs lang po ang interval tapos pigain mo boobs mo hanggang sa may lumabas na milk tapos idikit mo sa bibig niya kapag ayaw parin kilitiin mo o kurutin mo yung talampakan. Ganyan din baby ko nung nasa hospital kami hinayaan ko matulog ng matulog hindi ko sinunod yung 2-3hrs na interval ayun tumaas yung sodium niya kasi nga mahina dumede na NICU siya.

Magbasa pa

Hi Momsh ..Ganyan din po baby ko nun ..Tulog lang ng tulog nung newborn siya .. wala sa oras yung pagdede niya ..magbabago din yan momsh .nagaadjust pa lang po kasi yung mga baby natin 😊 ..sa mga susunod na araw momsh .halos di ka na din po papatulugin .kakadede ni baby 😊

every 3-4hrs po need padedehin , kung ayaw magising buhatin nyo na po at idikit lang nipple mo sa my mouth nya , pede nmn po sya magdream feeding 😊 ftm here diretso din tulog ng baby ko lagi 10days old sya

ftm din po ako 1month na si baby ngayon ang ginagawa ko po binubuhat ko sya tapos i touch ko yung baba nya bubuka bibig nya tsaka ko didikit nipple ko sa lips nya tsaka sya mag latch

Kargahin niyo po si baby and ipaamoy buong areola niyo then dikit sa mouth. Tapikin niyo din ng finger niyo yung cheeks niya para magising siya or kilitiin yung feet ni baby.