βœ•

10 Replies

hindi po.. meron Speech delays na mga kids pero nakikipag interact sila sa iba at kung wala talagang nasasabing words pero kaya mag bodylanguage at nakakaintindi okay po sila at delays lang talaga... iba po ang nasa Spectrum meron nonVerbal at may iba pang sintomas bukod po doon kabilang na doon sa redflags yung flapping of hands, tiptoeing, nagla line ng mga toys, less / no eye to eye contact, hindi nagppoint ng fingers pag may gusto ituro at marami pang iba.. if ever may mapansin kayong delays sa bata mas mainam po sa DevPed ipaconsult para mas maassess at mabigyan ng tamang intervention.. btw po yung panganay ko may ASD... less gadgets po sa kid at kausapin niyo palagi at tulad ng sabi ko mainam po na paconsult kasi ganyan age dapat nakakausap na po siya.. yun bunso ko 1year old madami na po words at nakikipag communicate talaga.. dun namin napag kumpara ang kaibahan nila ng panganay ko .

Ussually sa mg babies ngayon ganyan ang concern. In my case 4 years old na din bby ko now pero before nung +2years old sya napansin ko na di sya pala salita kaya triny ko syang kausapin nag leave ako sa wprk ko for 15 days just to monitor him and I find out na dahil pala yun sa mga napapanood nya. His first language is english, nung triny ko syang kausapin ng english nag bright up ang kanyang face and naging jolly and mas close sya sakin. Try nyo po na kausapin sya in english dahil baka po yun din ang language na naiintindihan nya. Skl.

Not all the time, mi. Like my daughter. Nagpa-assess kami sa developmental pedia dito sa Iloilo. Akala ko may autism sya since 2yo na di pa nagsasalita. Ang result ng assessment nia is speech and language delay. Pinasok ko sya sa early intervention program para maayos yung behavior niya and speech. After 1 year namin sa therapy, nakakausap na namin sya. For me much better pa din na ipa assess sa devped not just pedia ha? Since sila naghahandle ng ganiang cases ng mga bata. πŸ™‚

Delayed din ang anak ko. 2 yrs & 10 mos siya that time. 23-24 mos yung age nya base sa test ng specialist. di naman masyadong malayo pero kailangan may intervention na. pero masyadong mahal yung mga early intervention. advice ni doc, 1 hr lng screentime including TV. tapos ng invest ako sa cognitive toys like Blocks. then kinakausap ko siya palagi. may improvement agad. laban lang tayo mga mamsh.

Lagi kinukwento ng nanay ko ma nung bata ako ay akala nya ay pipi ako dahil 3yo na ay di pa nagsasalita, puro ungol lang "ah ah. eh eh"... tapos by 5yo na natuto magsalita ay bulol pa πŸ˜… Normal naman ako 😁 Although understandable ang worry mo, so better to consult with your pedia para sure ☺️

hindi nmn po pareparehas pag laki ni baby may mga nalalate at meron nmn maaga magsalita. Depende po kung madami sya nakakalaro o wala. Siguro nmn may nasasabi din nmn kahit papano.

TapFluencer

Doesn't necessarily mean na with Austism po, there are many factors to consider po, try to bring your baby po sa dev ped to assess further.

4y/o na kasi, pag ganyan nakakasalita na talaga. better na ipacheck sa dev pedia na alngm di naman ibig sabihin may autism kung ganyan.

hello mi. same tau running 4yrs old na male ang anak ko,. wala pa ni mama ang salita nya..

Same case mi yung 3 years old ko bunso turning 4 this october di pa ren nag sasalita 😒

ako dn parehas tau momsh... turning 3yrs old ung baby boy ko.. Puro last words 2letters lng... mnsan hndi talaga... laban lng Tayo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles