Madalas na pag pitlag

3months old na po yung baby ko and may times na kapag tulog siya bigla niya gingalaw yung ulo at kamay niya na akala mo napipitlag or nananginip normal po ba un kasi minsan po sa sobrang pag kuskos nya ng mukha niya nagigising po siya tapis pahirapan na po mag sleep ulit. May times din na patulog na siya bigla maninigas ung kamay niya then iiyak po. Thanks

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

yung lo ko po naging magugulatin din dati, tipong tulog sya tapos biglang mangingilig tapos di makakahinga nang ayos tapos iiyak, bandang 2months po sya nagkaganun, may tawag po sa reflex ng baby na ganun ehh pero nawawala din daw po after ilang months, yung lo ko po naging ok na mula nung papasok na ng 4months

Magbasa pa