Sino Po Dito Induced Ang Baby?
39wks and 3days napo akong preggy. Last checkup kopo nung Monday sabi ng OB ko di padaw po bukas ang cervix ko. Nagrequest po sya ng ultrasound sa Aug17 para malaman po anong pwedeng gawin dahil Aug18 po ang due date ko talaga. Option po is induce, kaya padin po ba inormal un or deretso cs? First time mom here. TIA sa sasagot. ?

Mommy wag po masyadong mag worry kasi naririnig kana at nararamdaman ni baby. Kausapin mo po sya na excited na kayo makita sya at wag kana pahirapan. Dasal na din na safe at normal delivery.. Ako po sa 3rd ko induce 41weeks. Pero normal naman lahat. Malusog po anak ko.. Isang araw lang kami sa hospital.. 😊🙏 pray lang tayo mga mommies. Wag po madaliin si baby. Pero makakatulong magpaka pagod ka ,lakad dito lakad dun. Pero pahinga ka din preserve energy. Medyo matrabaho ang induce . Mag nipple stimulate ka para mag contract si baby sabay ire . Pag nasa hospital kana. Tignan mo mga ilang mins lang lalabas na si baby. Sa.case ko wala po ako pampahilab na tinurok. Gel lang sa pwerta para lumabot cervix na daanan ni baby.. Kain ka pine apple pwede din makipag do kay mr mo.
Magbasa pa
Nurturer of 3 handsome prince and 1princess