39weeks 1 Day

39weeks na pero parang ang taas pa nya 😪 stock sa 1cm mag 2weeks na. Nung 15 pa nilabasan ng mucus plug. then till now wala na. araw² din ako kumakain ng pinya. uminom ng chuckie. 2days din uminom ng nilagang luya. 3x a day din nag iinsert ng primrose..nakita pa sa last ultrasound +1 cord coil. minsan umiiyak nlng tlaga ako mga mhie kasi subrang hirap na ako matulog sa gabi😭

39weeks 1 Day
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

1. Hindi totoo na nakaka labor ang pineapple at chuckie. From 1st tri kumakain na ko ng pinya. Myth po iyon kaya wala talagang maitutulong. Unless kumain ka ng isang truck ng pinya baka sakali po may mangyari 2. Wala din pong effect ang luya. Nagka covid ako sa 3rd tri. Nag nilagang luya ako para gumaling agad ubo ko. 3. Wag na wag mo gagawin yung sinasabi nila na coke na may hilaw na itlog. Pero if gusto mo magka salmonella kayo ni baby, go lang po 😅 4. Walk. Yan talaga nakatulong sakin. At 36wks naglalakad na ko. 37w4d nanganak na ko. 5cm agad check up lang sana, pina admit na ko. 5. Wala sa taas o baba ng tyan yan mi. Di bumaba tyan ko pero nanganak ako 😅 6. Your baby knows best. Lalabas at lalabas sya sa panahon na ready na sya. Malay mo kaya hindi ka pinag lalabor ni Lord kasi baka makasama pala yung cord coil ni baby. Pray and ask for guidance. If ma-cs ka man, isipin mo na lang yun ang best para sainyo ni baby.

Magbasa pa
Related Articles