My Everything
39 weeks and 3 days NORMAL DELIVERY EDD - Jan 31, 2020 DOB - Jan 27, 2020 WEIGHT - 3.2 kg Baby Girl ❤️ Share ko lang experience ko kay baby! Ftm po, palagi ko kinakausap si baby nung nasa tummy ko pa siya. 37 weeks ako sabi ko kay baby wag muna siya lumabas kase magwowork pa ako. Nung 38 weeks sabi ko ulit sakanya wag muna lumabas ulit kase magwowork pa ulit ako, sabi ko pa sakanya wag siya muna lalabas kase wala pa siya crib hahaha pero sa bahay nlang ako nagwowork nun. Last Saturday, January 25, last check up ko, ie niya ako and still 1cm parin tulad nung nakaraan. Sabi niya naman eh wag ako mag alala, patience daw. Pero mejo nagworry na ako nun kase ilang days nlang duedate ko na and sabi ni ob maghilab o hindi yung tummy ko sa 31, magpaadmit na daw ako para bigyan nila ako ng pampahilab and maiwasan na magpoop si baby sa tummy. First baby to kaya madaming nagsasabi na aabutin daw kami ng february. Sunday, Jan 26, maaga ako gumising para maglakad. Almost 2hrs din un. Habang naglalakad kinakausap ko ung baby ko na lumabas na siya this week or sa 31 para hindi kami mainduce. Pagkauwi ko nun puro galaw ako sa bahay. Kachat ko pa ung lip ko, niloloko ko siya na siya nlang inaantay ni baby kaya di pa lumalabas. Kinahapunan dumating na yung Lip ko sabi ko bumili kami crib at para narin makapaglakad lakad ako. 2hrs na lakaran ulit hahaha! ? Eto na kinagabihan mejo sumasakit ung balakang at puson ko pero tolerable pa naman. Nakanuod pa ako ng movie tapos inaya ko magmakelove ung lip ko hahahaha oo nagmakelove pa kami nung gabi na un. ?❤️ Mga bandang 11pm sumasakit parin ung balakang at puson ko pero kaya parin. Tinry ko ung contraction timer at ayun nga every 8-10mins ung interval. Chinat ko ate ko tinanong ko kung naglalabor na ba ako haha sabi niya oo daw pero matagal pa daw un. So tinry ko matulog, nakatulog naman ako pero nagigising ako kada hilab ng tiyan ko. Mga bandang 1am di na ako natulog. Nagpost pa nga ako dito sa asian parent app dahil may tinatanong ako pero wala namang sumagot ?✌? hanggang sa napagdesisyunan ko na maligo ng 2am. Pumapalo na ng 3-6mins interval ang contraction ko. Nagising ung Lip ko sabi ko sakanya nagllabor na ata ako. Kumain pa ako biscuit hahaha kahit sakit na sakit na ako. Takaw eh ??? 5am umalis na kami ng Lip ko. Hinatid pa kami ng mama ko para ihanap ng service papuntang ospital. Pagdating ko ng ospital 5cm na pala ako. Di na maipinta ung mukha ko pag humihilab hahaha pero ngingiti ngiti pag wala hilab ?? Dinala ako sa labor room mga bandang 8 30am Maya maya IE ulit nasa 8cm na ako. Pinutok na ung panubigan ko tapos nilagyan ako catheter kase naiipon na wiwi ko at naiipit na din ulo ni baby. Sabi sakin nung nurse mas masakit na daw konting tiis nlang. Sinalang na ako bandang 9 30. Jusko ang hirap! Ang hirap kase di ako komportable sa pwesto ko hahahaha nakakanglay ipatong ung paa!! ? Nakailang ire ako mga mamsh pero kinakapos ako. Super lata na kase ako nun. Imagine wala akong tulog. Pero pinilit ko gisingin sarili ko nun. Kailangan ko magnormal. Kailangan ko siya ilabas ng maayos. Ginupitan dahil hindi siya kasya. Hinugot pa siya ng ob ko. Sa awa ng Diyos, lumabas na siya. Jan 27, 2020 @10:36am. Sinilang ko yung bumuo ng buhay namin ♥️