Hanggang 40wks to 42wks naman ang pregancy basta walang complications..ako nga 40wks nanganak sa 3rd ko. Mismong araw lang din na un nag open cervix ko, natural labor lang sa bahay, dumating ng hospital na almost fully dilated na.
Sa 1st baby ko naman 1cm dilated na ako at 37wks. nung nag IE sakin na midwife, aksidente nyang naputok ung panubigan ko ayun na refer ako sa hospital ako tas hinintay muna ng ilang oras kung mag dilate naturally cervix ko pero stuck sa 1cm kaya nag decision OB na ipa induce ako. Juskooo ang sakit, 4cm pa lang feeling ko lalabas na baby ko. Nagmakaawa na nga ako iCS na kung hindi naman nila ako iCS, turukan ako na hindi ko marandaman ung sakit ng labor, ayun napatulog ako ng 5hrs nagising ako sa sobrang sakit na natatae na feeling tas pag IE fully dilated na. 12hrs induce labor un at buti na normal delivery ko. Ung kasabayan ko sa labor room nun mas nauna pa sakin na admit induced labor din ayun stuck sa 5cm tas nag low fetal heartbeat na sya kaya naCS sya.
Masasabi ko lang mas okay na okay mag natural labor kesa induce labor na napakasakit, mas randam mo ang sakit dahil nakahiga ka lang, di gaya pag natural labor pwede ka pa makapag position na gusto mo. Ung 2nd at 3rd kong anak natural labor sila sa bahay lang nag labor.
Hindi din guarantee na pag na induce e maiinormal delivery, case case basis pa din kase pwede magkaroon ng complications while on going ang labor.
Magbasa pa
Mommy of 1 handsome son