My baby Maxene Jeana Calliah

37wks & 3 days EDD: July 1, 2020 DOB: June 13, 2020 2.8kg Via ECS Last check up namin june 12, 4 to 5cm na ko nun hindi pa dapat magpapaadmit sa ospital kaso yung mother in law ko pinilit na kme baka daw abutan ako sa bahay, pero wala pdn aqung sakit na naramdaman kaya kinagabihan ng june 12, nagpaadmit nq natagtag aq sa byahe nag 6cm nako diretso na agad sa labor room..may kasabay nga ako nun sa labor room 3 days na xa nun hinintay na lumabas baby nya 5 months nawalan ng heart bit sabi ko sa kanya lakasan nya loob nya kase hnd q akalain na yung makasabay katulas ko na nawalan din ng baby magkaparehas kme ng sitwasyon nawala dn yung panganay ko 21wks, sya second baby nya un sabi ko tatatagan nya loob nya para lumabas na si baby kase pag di pa nya nalabas un makaapekto na sa kanya tatlong araw na sya sa labot room ang tagal nun hanggang sa kinantahan ko sya ng worship song para kumalma sya um kase nakatanggal ng kaba ko kaya kalma lang ako nun kase pagnahawa ko sa kanya kawawa kame ni baby buti nalang hindi aq naapektuhan pinilit ko talagang magpakalma para di aq magaya sa kanya hindi ko naiisip na naglabor dn ako nun kase naawa talaga lo sa kanya kaya kinakantahan ko pdn xa kahit di ko alam kung tama paba kanta koπŸ˜… hanggang un lumabas na baby nya nagthank you naman xa natuwa nga ako nun kase nakaraos na xa..nung una di ko sya makausap kase muka syang mataray pero piling ko nun kailangan nya ko kaya kinausap ko xa nalaman ko na ganun pala kaya xa malungkot, katulad q na nawalan dn yung uuwi sya na di na kasama si baby kaya sabi ko sa kanya ibigay dn ni god un wag lng xang mawalan ng pagasa saka magpalakas xa..may mga bagay talaga na pag hnd pa pinagkaloob ni god hnd pa nya ibibigay pero kailangan nating magtiwala, manampaltaya sa kanya at tutuparin dn nya yung gusto natin...katulad namin hnd kme nawalan ng pagasa kaya ngaun natupad yung pangarap namin..pray lnga talagaπŸ™ Hirap po aqung magbuntis high risk ako bedrest lng talaga sa loob ng syam na buwan na pagbubuntis ko nakabedrest nko..nung una ang problema ko nagopen yung cervix ko kaya nawala si baby nalacerclage pq nun kaso di kinaya..sa second naman nung naglabor na ko ayaw magopen ng cervix kaya naCS aqπŸ˜… pero ok lng basta safe kme ni baby masabi ko na sulit lahat ng hirap ko madinig mo lng yung iyak nya mawawala yung lahat ng sakit na naramdaman mo..πŸ™πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§ Mga moms gudlock po kaya nyo po yan..godbless❀

My baby Maxene Jeana Calliah
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pretty baby congrats mamsh

VIP Member

Congrats