36 weeks na po ako today, nadadalas po yung paghilab ng tiyan ko after nung last check up ko. Last Jan. 28, pag IE sakin ni dra. mababa na daw po pero close pa naman daw po. Pinainom po ako pampakapit ng 4days (Twice a day) Ngayon, naka-antabay po ako lagi kung may bloody show or kakaiba na yung contractions. Safe na po kaya manganak ng week na to? Risky pa rin po? May mga nababasa po ako na okay naman daw po sila ng babies nila kahit 36 weeks sila nanganak. First baby ko po, 38weeks & 1day po ako nanganak. Stress po siguro ako ngayon kaya mejo nadadalas mga paghilab. Feb. 11 pa po kasi ang leave ko sa work kahit WFH po ako may mga tasks pa rin po kasi need gawin sa harap ng laptop. Pag iihi din po masakit na yung pag-ihi. Pag humilab po, nahihiga ako tapos may mga unan sa magkabilang side ko tapos inhale exhale, after 2-5mins ok na po ulit ako. Sino po dito ang 36weeks nanganak? Thanks po. Ano po mga nafeel niyo?
#36weeks