33 weeks pregnant na po ako. Masama po ba talaga humiga at matulog? pinapagalitan kasi ako lagi ng mother ko pag nakikita nya ko naka higa or makikita nya na matutulog ako. Kaya sa buong mag hapon naka upo lang ko tapos minsan tumatayo nalang ako. sukasakit kasi likod ko pag naka upo ng matagal eh. tapos feeling ko puyat na puyat ako kahit maaga ako natutulog kasi ayaw ako patulugin ng hapon or tanghali. Kahit anong libang ko sa sarili ko kasi inaantok padin talaga ako eh. Kaya pag gabi feeling ko pagod na pagod ako tapos sobrang sakit na ng likod ko.
#advicepls
#1stimemom
Anonymous