Scared
32 weeks palang ako pero Feeling ko hindi ko kakayanin ang sakit ? Nanonood lang ako ng mga youtube labor labor mas nadadagdagan takot ko. any tips po ba mga mommy para mapabilis ang labor sa ftm?
Same tayo nanonood din ako sa youtube. Sa una kinakabahan at natatakot pero habang papalapit na nawawala na basta eready mo lang ang self mo. Saka iniisip ko nun kinaya nga ng iba ako pa kaya. Motivate mo lang ang self mo. Tapos yung takot nawala na ang pumalit excitement. Tapos inip na inip na ako kasi 39 weeks and 4 days na wala pa din gusto ko na maramdaman ang sakit at makita na si baby at makaraos na hehe. Lagi mo lang kausapin si baby na wag ka masyado pahirapan. Ako nun lagi ko kinakausap si baby na lumabas na at ready na si mama at wag masyado ako pahirapan i’ll do my part and she’ll do her part kaya ayun 39 and 5days lumabas na si baby labor and delivery inabot lang ng 5hours. Kaya ang saya! :)
Magbasa paUng first baby ko ndi aq ntakot manganak ksi un friend ko na nauna mabuntis and normal delivery din sya knikwento nya lng skn paano dpt umire then cnsbe nya ndi nmn dw sya nhrapan manganak. So aq inicp klng na mdali kya nun sa eldest ko ndi aq msyadong nhirapn. Plus sympre magdiet na din at malakad lakad araw araw kht sa bhy lng pra lalo bumaba c baby. Pra sa akin ndi mkkatulong un panonood mo ng nanganganak sa youtube ksi pg nsa hospital kna maaalala mo un mga npanood mo na hrap na hrap sila kya kaw matatakot ka mhhrapn klng. Bsta think positive.
Magbasa paAy naku momshie. STOP GOOGLING. Nakakapatay sa takot yan si google. Same tayo pinangunahan ako ni google ng takot. Take my advice stop watching those videos, relax and pray ka lng. Maniwala ka ako may phobia ako sa needles so always hated hospitals. Tapos biglaan pa ako na admit kasi induced labor ako. Pero nakaya ko po momshie pray lng talaga ginawa ko tapos pag kinakabahan ako i take a deep breath and think of the most embarassing and funniest thing i have done. I SURVIVE. SO WILL YOU. CONGRATS AND GOODLUCK KAYA MO YAN😃
Magbasa paWag ka kabahan mommy, isipin mo kung gaano mo kagusto makita si baby saka pray ka habang naglalabor. Actually mas masakit maglabor kesa sa delivery. Wag ka iire sa bibig sara mo bibig mo para yung hangin di lalabas sa bibig sa pus*y dapat. Normal na ire na mahaba parang natatae tapos sabayan mo ng ire yung hilab nya. Basta relax ka lang. Ako nga nun first time ko as in clueless ako kung ano gagawin sinabihan lang ako ni ob ng tamang pag ire wala man isang oras na delivery lumabas si baby. 9 hrs labor.
Magbasa paAko po di talaga ako nanunuod ng ganyan kasi alam ko pong tatakutin ko lang sarili ko, relax lang po mommy and tips na lng po ang basahin nyo sa internet. Wag na rin po kayo manood ng video ng actual na nanganganak or nacs kasi po baka pagdating ng kaorasan, madagdag pa sa nerbyos nyo.
Maglakad lkad ka lang momshie para mabilis syang bumaba.. tsaka worth it naman lahat ng sakit pag lumabas na si baby.. ako cs sa 1st baby ko.. sa 2nd gusto kong itry mag normal.. normal kase tlaga ako kaya lang kulang na amniotic fluid nya kaya na emergency cs ako ng 35 weeks
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2002637)
Naku stop ung panonood ng ganyan di maganda yan..need mo lakas ng loob kasi kung manonood ka ng manonood lalo ka panghihinaan ng loob di maganda for you..
Naku mommy stop mo po manood ng ganyan . Kuha ka lang ng tips or exprience nila pero wag ka,po manonood 😁😁
Nakooo po mamsh huwag ka na manuod! Kuha ka lang ng tips. Tapos lakad ka lang palagi then pray🙏