Normal lang ba ang pimples sa newborn?
3 weeks old pa lng si baby ko pero non august 7 biglang tinubuan si baby ko ng ganto. Ano kaya to mga mi tapos ano possible reason bat nagkaroon ng ganto si baby and may alam ba kayong product na safe kay baby para mawala ganto nya kasi para kasing dumadami habang tumatagal
Mie gatas Nyo lang po ipahid Nyo sa baby Nyo kikinis ang balat Nyan at hindi dadapuan ng kahit na rashes , araw araw kayo mag punas gamit ang bulak ng gatas Nyo sa katawan at mukha nya bby ko ganyan ginawa ko mag 2 months na sya sa 22 napaka kinis nya at walang kahit ano sa mukha at katawan lactacyd din gamit kung sabon. trusted na po ng iba pang mami yan din rerecomend ng doctor sayo. wala dapat kahit ano ipapahid sa balat ng bby kasi maselan kundi gatas lang ng nanay.
Magbasa payan ang bby ko never nasyang nag kakabutlig or rashes , mag Kaka rashes lang sya Pag sa pwerta na kasi dun di ko nilalagyan e . calmoseptine naman nilalagay ko sa pwerta. tapos kapag Lalo na mainit panahon lalabas mga rashes pahid talaga ako agad ilang Oras lang wala na. kaya ngayon kinis ng katawan at mukha ng bby ko nakaka puti pa nga e
Magbasa paNormal lang po yan mga mi, as per my pediatrician hayaan lang daw kasi kusang mawawala din yan, or kung di kyo panatag bili kyo ng cream sa pharmacy. Sabi naman ng mga nakakatanda apply nyo daw ng breast milk nyo. Pero sa baby ko hinayaan ko lang, pawala naman na eh.
baka nmn po hinahalikan Ng my balbas ..wag po pahahalikan sa my bigute KC magkakarashes po .,pero Kong madami po ganyan at Meron sa ibang parte Ng katawan baby oil lng po ang ilagay nyo...gamitan nyo po Ng bulak..
Nag ka ganyan din baby ko gatas kolang ang pinahid ko nawala sya wag muna ibang product baby pa. masyado ang balat ni baby baka ma irritate.
yung sa baby ko nilalagyan ko ng petroleum jelly ng baby flo brand
baby acne normal lng po yan sa mga new born matatanggal din po yan
use mild soap lng para kay baby po
Nurturer of 2 sweet boy