Postpartum

3 Uri ng PPD 1. Baby Blues - considered Normal. Kadalasan nakakaranas ang isang babae ng Baby Blues right after childbirth. Nagkakaroon siya ng mood swings, sobrang masiyahin at sobrang kalungkutan. Umiiyak ng walang rason at wala rin siyang pasensya. Irritable, restless, lonely at malungkot. Makakatulong sa mga mommies na may baby blues ang pagsali sa mga support groups or reaching out to other moms na din. 2. Postpartum Depression - nangyayari few days or even isang buwan after manganak. Ang mga nararamdaman ay kamukha ng sa Baby Blues pero mas matindi ang mararamdaman ni mommy kesa sa Baby Blues. Kadalasan, hindi na nagagawa ng isang babae ang mga pang-araw araw na kanyang ginagawa. Kung ito ay nakaka-apekto na sa kanyang sariling kakayahan, kailangan na niyang komonsulta sa isang healthcare provider tulad ng OB-Gyne. Ito ay magagamot sa pamamagitan ng medication at Counselling. 3. Postpartum Psychosis - ito ang pinaka-seryosong mental na sakit. Nangyayari ito madalas sa first 3 months ng isang babae after manganak. Nagkakaroon ng hallucinations/visual hallucinations at delusions si mommy. Ibang senyales ay: * Insomnia * Agitated at pagiging galit * Restlessness * Mga di-pangkaraniwang pakiramdam at ugali Ang mga babaeng may Postpartum Psychosis ay kinakailangang maagapan agad. Minsan, ang mga babae ay nilalagay sa hospital upang maiwasan na makasakit sila ng ibang tao o mismong sarili nila.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks! Very informative. Ung 3rd kadalasan sinasabi nila binat when it's part of PPD pala.