Crying baby

3 months na po yung baby ko sa 27. 4 days na syang iyak ng iyak eh hindi namn sya iyakin. Simula nung nagpunta kami sa bahay ng byenan ko mga after 3 days namin dito, bigla na sya naging ganon. Akala ko may masakit lang sa kanya, kaya pinacheck up namin kaso okay namn daw lahat sa kanya. Nagwoworry lang ako kasi ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganon katagal, na hirap na hirap kami patahanin. May same experience din po ba sa inyo? Kinakabahan kasi ako, kada iyak nya parang gusto ko na rin umiyak kasi nakakaawa. #1stimemom #firstbaby #advicepls

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nagkamali yung dr. na nagcheck. Pagkauwi namin sa bahay namin, nakita ko parang may lumabas na parang nana sa tenga ni baby :( Bat kaya di nakita kanina nung nagpacheck kami. Papacheck up ulit kami tomorrow. sayang yung bayad namin kanina, 500 paman din. Kaya talaga imposibleng wala nararamdamn si baby eh. di namn kasi sya iyakin.

Magbasa pa
4y ago

okay na po sya mamsh.

Mag 3 months na din po yung baby ko sa 27 and ganun din po siya iyakin din pag uuwi kami sa house namin galing sa lolo at lola niya. Parang naninibago siya sa nakikita niya yung parang namamahay at hirap din siya makatulog.. Ganun set up namin lagi..

kung ok nmn dw po nung check up nya..baka po na usog ...kaya lang baka hindi po kayo nsniniwala dun..pero try nyo rin dalhin ulit sa byenan nyo.