Not normal ba ang green na tae ni baby?
3 month old baby ko dumudumi ng green na tae. Formula milk po siya. Normal lng po ba ang kulay green na lusaw?

Ang meconium o tinatawag din ng iba na newborn poop ay nangyayari sa unang dalawang araw matapos isilang ng iyong sanggol. Ang meconium ay gawa sa amniotic fluid, mucus, skin cells, at iba pang mga bagay na na-ingest ng iyong sanggol sa utero o sa loob ng sinapupunan kaya ito ay tulad ng motor oil. Ito ay greenish-black at malagkit na poop ngunit wala itong amoy. Matapos ang 2 hanggang 4 na araw, ang dumi ng iyong baby ay magpapalit sa mas berde na kulay. Ito ay senyales na mabuting gumagana ang intestinal tract. Ang dumi rin ng iyong sanggol ay mas hindi malagkit at magmumukhang tulad ng kulay na army green. May maliit na pagkakaiba sa poop ng umiinom ng gatas na sanggol mula sa suso at ang umiinom ng gatas na mula sa formula. Ang mga sanggol na pinapasuso ay mayroong matubig na consistency ng dumi. Ito ay madilaw o slightly green at ito ay maaaring malambot o creamy pagdating sa texture. Maaari rin itong medyo matubig. Nakakaapekto sa dumi ng sanggol kung ano ang kinakain ng nanay. Kung ang poop ay mukhang bright green at mabula, ibig sabihin ay hindi mo siya napapasuso nang sapat sa kada suso. Huwag mag-alala, kailangan mo lang simulan ang pagpapasuso sa iyong sanggol sa huling suso na ininuman niya ng gatas. Ito ay nakasisigurado na ang iyong sanggol ay nakakukuha ng maraming hindmilk kaysa sa foremilk. Ang sanggol na umiinom ng gatas sa bote ay may amoy ang dumi kumpara sa pinasususong sanggol. Ang amoy ay hindi gaanong masangsang kaysa sa sanggol na nagsimula nang kumain ng solid food at madali lang na matutukoy ang amoy. Ang dumi ay magmumukhang peanut butter ngunit maputla at mas yellow-brown o green brown kumpara sa pinasususo na mas yellow-green. Siguraduhin na agad na tawagan ang iyong doktor kung ang kulay ng dumi ng baby ay naging puti, itim o pula.
Magbasa pa


