Leave

3 days palang ako sa bahay bilang leave. Inip na inip na ko. Init na init din kasi sanay sa aircon. May aircon sa bahay, pero nakakahiya naman makigamit dahil kasama namin sa bahay ang biyenan ko. Wala akong ginagawa pero pawis na pawis ako. Saka ngayong nakaleave na ko at paupo upo lang, saka ako namamaga sa manas. Hindi talaga ko sanay na hindi naglalakad at nakatayo. ?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mainit talaga mommy kaya kung di kaya mag AC ka na po para makapagrelax ka ng maayos. :D dito din sa bahay kahit nakaupo ka lang maglalagkit katawan mo sa pawis. Kaya minsan naka Electricfan na ko, naka AC pa. HAHAHA!

6y ago

Ay grabe naman. Pati ba naman flush? Bat di nalang niya ioff kung mukhang ayaw naman niya ipagamit. Haha. Saklap niyan mommy. Ang hirap pa naman matulog ngayon kahit na gabi ang init init padin. :/