Constipation pregnancy
3 days na kasi akong constipated at grabe nakakapanghina na. Hindi din ako masyado kumakain kasi hindi ko nailalabas yung dumi ko. Masakit na ang tiyan at labasan ng dumi ko. Malakas naman ako sa water intake tapos pang 2nd day ko pa lang di nakapoop nag-papaya na ko agad. Ganon pa din. Nagpacheck up ako sa malapit na ospital sa akin, niresetahan ako ng psyllium husk capsule twice a day. Kakastart ko pa lang. Pang 6 weeks & 5 days pregnant na nga pala ako.