No yolk sac no fetal pole
2nd pregnancy ko po ngayon, 4 months after ko manganak sa panganay namin nabuntis ako. Regular menstruation po ako pero after ko manganak 2months after ung 1st mens ko 13 days (june), next month po (aug) 8 days hanggang sa di na ko dinatnan last month. Based sa lmp (aug. 13) 10 weeks pregnant na ko. 1st ultrasound (sep. 24) 4w6d kaya wala pa pong nakita gestational sac lang. 2nd ultrasound (oct. 8) 7w gestational sac lang din po nakita kaya nangangamba na ko, dapat po maghihintay ako ng 3-4 weeks bago ipaulit pero may brown discharge ako kahapon (sobrang konti lang po) 3rd ultrasound (oct 23) lumabas po 7w1d pa lang ako base sa gestational sac at un lang po ulit ang nakita. Nagsisearch na po ako kasi nangangamba na ko, meron po akong nababasang negative at positive lalo dito sa community app natin at di maiwasang mastress kahit bawal mastress. Wala pa po akong ob kasi on-going po ang requirements ko at isa sa kailangan ung ultrasound na may heartbeat na, nagtry din po kami maghanap kahapon after magkaroon ng brown discharge (actually nung nakita ko tuyo na siya pero sobrang konti lang talaga, di ko napansin na may lumabas kasi para siyang discharge natin na normal lang, iba nga lang kulay) pero walang available na ob by schedule lang I need encouragement and advise po lalo dun sa mga kagaya kong nag-ultrasound na walang yolk sac at petal fole pero after ilang weeks nakita na si baby. Gusto ko pong matuloy tong dinadala ko ngayon lalo po at namatay ung 1st baby namin (one day lang nabuhay) Ano po ang pwede kong gawin para tuloy-tuloy tong pagbubuntis ko? #advicepls