Hirap makatae, masakit na sa pwet. 18 weeks pregnant.

2nd day na pabalik-balik ako sa cr kasi di ko mailabas yung poop ko, matigas kasi mga mii and super sakit. Natatakot din akong umire kasi baka mapano si baby..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako mii. Na admit pa ko sa private ospital dahil jan. Kasi nungnag visit ako sa clinic ng OB ko kusa ko naiire balik balik ako sa cr para kong napu-poop pero ayaw lumabas, nung ina-IE ako ng OB ko sabi nya nakakapa nya na parang puno ng poop pina ultrasound nya ko para sure kasi may history po ko ng miscarriage na admit po ko and ayun nga poop nga po. Pina inom nya po ako ng juice na prune juice po. Effective po mi. After 2 hours nag poop po ako ang dami. Pero advice nya na wag every day kasi baka mag tae naman po. Every other day po inom ko and kalahating baso lang po mi. Ngayon po di ko na nararanasan yung hirap sa pag poop po. Sobrang effective ng prune juice medyo may kamahalan lang mi. Sana makatulong😊

Magbasa pa

Kaka admit ko lang last last week, ganyan din nangyari sakin sobrang constipated at pinilit kong umire. After awhile nag bleed ako at na confined sa hospital then I find out na mababa pala inunan ni baby. So bawal talaga umire pag nag popoop kaya niresetahan ako ni ob na pampalambot ng poop para hindi mahirapan mailabas. I suggest better consult your ob regarding your concern mamshie.

Magbasa pa

Ganyan din sakin. 15 weeks grabe ang tigas ng poop ko, palainum nmn ako ng tubig. Kaya nag decide ako mag breakfast ng sweet potato 🍠, tapos yogurt or yakult noong sunday. Hindi na ako umiinom ng kape kasi parang hnd na nagiging effective sa pag poop ko. Noong kumain ako sweet potato ayun lumambot unti poop ko at ngayon tuesday tubig tubig na poop ko.

Magbasa pa

ganyan din ako hirap sinabi ko sa OB ko binigyan nya ako ng gamot kasi 4 days na akong ndi makatae kahit gustohin ko man kaso matigas ndi mailabas kahit ndi ako natatae gusto kong dumumi, pero once ko lang uminum kasi sabi nya bawal daw na sanayin ko baka ndi ako uminum ng gamot ndi ako makacr

Eat plenty of green leafy. Then drink milk. May ni resita din na calcium si doc to help against constipation. But for me very effective ang mga green leafy like kangkong etc.

Huhuhu same 17 weeks preggy, Try mo dutch mill mi yan iniinom ko nakakatulong nman sa pagpoop ko.. and more water na rin po.

inom po kayong yakult, drink more water, kain ng mga rich in fiber, inom ng prune juice

saging lakatan po. effective saken yun then sabayan niyo nalang ng yakult po.

try mo kumain ng papaya mi or saging before ka po kumain ng heavy meal.

7mo ago

Wag saging. Nakaktigas un. Sinabi ko din un sa hubby ko. Kasi pinapakain nya ako ng saging

Try mo po mag erceflora nakaka ganda ng digestion po yun