no milk

2days na po since na ilabas ko si baby. And nakaka sad kase wala talagang nalabas sa dede ko ? nag mamalunggay capsule po ako and nakain nman ng mga masasabaw wala talaga sya. Hndi din sya matigas

44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1-3days pp normal na parang wala pero ipaunlilatch nyo lang po, for sure may nadede si baby.. Ganyan din po ako pero after 3days dumami na gatas ko kakapadede kay babym medyo masakit lang po talaga.. Basta dapat po hydrated kayo palagi. Drink lang ng madami luquid. πŸ™‚ at in case bumaba timbang nya normal po yun sa 1st week nya. Kaya wag nyo isipin na mahina gatas nyo dahil naglose weight sya. Nagadjust lang katawan nya nun dahil thru boobies mo na sya kumakain.

Magbasa pa

Unli latch po and skin to skin kayo ni baby. Hindi po talaga visible ang milk ng ganyan kaaga. Kung may output (ihi and poop) naman po si baby ibig sabihin meron sya nakukuha sayo. Try nyo rin po mag member sa breastfeeding pinay group sa FB marami po kayo matututunan.

Wla pa masyado pag 2days. Pero meron kaunti. Prang calamansi lang ang bituka ng infant.. hindi nila kelangan ng mdaming mdami bka maempacho agad. Ipalatch mo lang. Habang lumalaki sya dadami dn milk mo. Bsta continuous ung paglatch. Mag malunggay capsule kna lang dn

Pump mo sis. Pwede ka nmn mag pump, mas prone nga lang sa engorgement pag ng pump ka ng maaga. Pero choice natin un. Ako ksi nun I rather pump kesa tiisin ung sakit ng boobs ko. If mabigat boobs mo sign un na may milk yan

I padede nio lang po sa kanya kahit wlaa po lumalabas na gatas.. nakakatulong po un para lumabas gatas mo.. ganyan po ginawa ko sa baby ko.. tas humigop ng sabaw ng nilagang baka.. malakas daw po magpa gatas un

VIP Member

Unlilatch lng po.may gatas ka mommy.ung colostrum ksi ay medyo malapot.bka hindi mo lng pansin pero meron yan. As long as napoop at wiwi si baby,ibig sabihin may nakukuha syang gatas sayo.

Continue nyo lang po pagpapadede. Maistimulate din yan. Same situation po, 4days old na po si lo ko ngayon and glory to God lumakas milk supply ko. Napapump ko na din sya 😊

VIP Member

may ganyan talaga matagal lumabas sakin mga 5 days bago talagang magkagatas e pinagformula ko muna. ipalatch molang sa knya kahit wala pang nalabas para datingan ka ng gatas.

Ipalatch mo lang mommy, ako 5 days na dati sa panganay ko wala pa din, hanggang sa nagsugat na nipple ko pero tiniis ko. Talagang pinadede ko kay baby para lumabas milk ko.

VIP Member

Update po. Sobrabg sakit na ng boobs ko ang bigat na din pinapalatch ko pa din ky baby puro sabaw at malunggay capsule po ako. Sana may lumabas na 😭

5y ago

Yes mamsh, 6 weeks pa allowed na mag pump baka kasi magka-oversupply ka ng milk pag maaga kang nagpump. Yes po tama si mommy, ipasipsip nyo po sa hubby nyo.

Related Articles