feeling down

29 weeks preggy po.. balik bugnutin nanaman po ako , gawa siguro ng init at stress sa work, tapos pag uwi mo yung asawa mo nagkwekwento na pagod kesyo naglaba daw eh automatic naman machine, yung ilalabas mo na lang damit sa tub para isampay na lang. tapos ito nagpapatulong magluto tinulungan ko naman, tapos magtatanong sa akin kung ano gagawing procedure sa niluluto nya sinagot ko binulyawan naman ako, ayun sumama loob ko, nagtago na lang ako sa kwarto, tapos galit din asawa mo sinisi ka pa na palpak luto ny kasi ndi sya tinulungan. pag nagrerequest ako ng masahe mabilis din sya npapagod, sabi ko nga ipachexk up ko sya lagi syang pagod, masama pakiramdam, lintek. naiistress na akong 7 buwan na buntis at iniisip paano ko pa mabuo panggastos sa panganganak ko eh ako lang magaling dumiskarte magimpok. mga mash ano na ba gagawin ko, ako ba may problema? masyado ba akong maselan? kung maselan ako bakit papatulan pa ako ni hubby? nagsabi na ako sa kanya na pagpasensyahan nya ako dahil mula nung nag 28 weeks nag iiba nanaman pakiramdam ko, iritable at masakit palagi ngipin at ulo pati pulikat palagi

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin niyo po siya maayos. Ipa intindi na buntis kayo. Kung di parin nadadaan sa pakiusapan. Ikaw na lang mag-adjust para kay baby. Buti na lang asawa ko di ganyan. Ako pa ngaaway, then siya umaakyat sa kwarto para iiwas.

6y ago

1.5 years pa lang po na kasal.mamsh 😭 hayyy yung gusto ko na mamisikal pero mabait tayo eh... naintindihan ko naman po ang work ng homemaker, pero naman po wala pa naman baby na inaalagaan talaga at pinagpupuyatan ganun na umasta. eh paano pa kaya ako buntis na , naghahanap buhay pa sa mainit na lugar, ( sya nakaaircon sa haus) ako ang nagbubudget pa at gumagawa din ng household choresπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ friday na frifay mamsh natatawa na naiiyak na lang ako sa nangyayari sa akin. o diba lahat ng comfort nasa kanya nya. hahahahahh sarap.umbagan eh