Ask.

28 yrs old po ako.. Ung panganay ko po 7 yrs old na,hiwalay po kami ng live in ko,tas nag asawa ako at kinasal kami may anak na kami 1...1yr old and 3 mons plang xa.. Pero buntis na nmn ako ng 2 mons.. Ayaw ko na sana,kse ang hirap ng buhay,may stable nmn job hubby ko pero kulang pdn tsaka nahihiya ako,naiinggit dn ako sa mga kabatch ko na till ds time single pdn sila ang may magandang trabaho..samantalang ako 3 na anak wala pang sariling bahay.. Nakakadown ng sarili..nasstress na nga ako e..Ayaw ko sana ituloy to kaya lang natatakot dn ako..minsan nga naiisip ko ng magbigti e.. I need motivation.. Gabi2 ako umiiyak..??

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy lahat ng bagay my dahilan. Hindi ibibigay ni God yan for no reason. Sa tingin ko po kaya kayo nagkakaganyan kasi kinocompare mo yung sarili mo sa iba. Which is hindi dapat. Bawat tao may kanya kanyang path sa buhay. Habang tinitingnan mo yung iba, may ibang tao din na tumitingin sayo dahil gusto na din nila magkaroon ng sariling pamilya. Hindi tayo magiging tunay masaya kung lagi natin icocompare ang sarili natin sa iba. Mas makakabuting magfocus tayo sa blessings na binibigay satin ni Lord. Promise di ka muubusan ng ipagpapasalamat. Isipin mo lang yung sitwasyon mo ngayon ay hindi permanente, temporary lang yan.. habng may buhay may pagasa. Marami nga jan sampu anak, walang matinong trabaho pero nakayang makaraos sa buhay. Kaya mo yan sis! Huwag lang tayo makakalimut tumawag kay God! Di Niya tayo pababayaan. "For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you plans to give you hope and a future" Jeremiah 29:11

Magbasa pa