Sorry I'm pregnant

28 weeks na po akong pregnant ngayon then until now hindi parin alam ng family ko pati family ng bf ko maliit lng kase tiyan ko kaya hindi halata ung mga naakakaalam lang na preggy ako is ung mga taong hindi saken nakakakilala ng lubusan same kaming nag aaral ni jowa sya 2nd yr college tas ako 1st yr. Hindi nako nag enroll for second sem dinahilan ko nlg sa parents ko na magtratrabaho muna ko pero diko sinasabe na buntis ako sobrang hirap na hirap nako sa klagayan ko andito parin ako sa part na parang diko parin tanggap na di ako makapiniwala parang feeling ko hindi to totoo ang hirap ng sitwasyon ko diko alam ung gagawin ung bf ko nmn ramdam ko na hindi sya masaya na buntis ako yes andyan parin sya bilang bf pero diko nakikita ung andyan sya bilang magiging tatay ng baby ko ni hindi nya nga magawang hawakan ung tiyan ko wala ung excitement sakanya kaya parang sinisi ko ung sarili ko kung bakit may kakayahaan pakong magbuntis pero tuwing gumagalw sya sumisipa lalo na ngayon sobrang active nya umaga man o gabi naawa ako sa baby ko kase alm ko pag nalamn nila to ng mga taong nakapaligid samin akm ko problema lng ung magiging tingin sakanya ung magiging tingin samin kaya feeling ko ansama sama ko kase bakit gantong buhay ung madadatnan nya everynight wala akong ginawa kundi umiiyak dahil sa sitwasyon ko ngyon antanga tanga ko bakit ko pinaabot sa ganito sana pinigilan muna naming mag make love kase hindi pa nmn dapat parehas kase kaming inaashan sa pamilya nmn kaya siguro ganto nlg ung pag kalungkot ko kaya na iingit ako sa iba na pag nalamang buntis masya ung mga tao sa paligid nila pero ako for sure pag nalaman nila to itatakwil at ikakahiya nako hindi ko na talaga alam ung gagawin gusto ko mang ako nlg ung magdala nito mag isa ung wala nakong aablahin pang iba kaya lang hindi ko kaya first baby ko to ni wla akong idea kung anong pakiramdam anong dapat gawin sa oras na manganak ako ung baby ko nlg ung nagpapalakas ng loob ko kase pakiramdam ko binibigyan nya ko ng lakas pag umiiyak ako sipa sya ng sipa feeling ko kaming dalawa nlg ung magkaramay hindi ko na talaga alam ung gagawin may mga times na gusto ko nlg maglaho mawala hindi ko na tlaga kaya ung bigat lalo nat sikreto patong pagbubuntis nato wala pa akong plano kung anong dapat gawin diko na mapigilan mag share at humingi ng payo kase wala nakong ibang matatakbuhan ayokong iparmdam ung dissapointment sa mga taong nasa paligid ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung pinsan ko, 18 palang yun nabuntis dem at nagaaral pa. Tumigil sa pagaaral tas sinikreto pagbubuntis nya. Di alam nung nanay na di napasok kase lage den wala yun nanay sa bahay gawa nagwowork. Pati paglilihi nya tinatago. Pero ngayon ok na. Nasabe nya na. Takot nya den non na pag sinabe nya palalayasin sya. Alam na den sa side nan bf nya. Matagal den nila tinago. Sana magkalakas ka na den nan loob sabihin. Madidisappoint sila sayo or magagalet pero pamilya mo pa den nmn sila e. Sa huli sika pa den tutulong sayo. Yun bf mk naman, malamang pareho lang dden nan narramdan mo. Di alam ano gagawin. Takot. Kayo lang magtutulungan. D nya pa den siguro tanggap pero atleast d ka nya iniiwan. Once magiging ok den lahat. Malalampansan mo ddn yan. Take a step sa pagsasabe para atleast mabawasan un isa sa worry mo na may tinatago ka. Tanggapin mo nalang den consequences gaya nan may masasabe sila sayo. Mahalaga binuhay mo baby mo.

Magbasa pa