101 Replies

Naku sis sabi nila baka mahirapan daw mag normal pag may ganyan or ma emergency cs kung sobra weight mo at si baby. Try mo imassage sis. Or pag hihiga ka at uupo lagay ka unan mga tatlo tapos iba pa unan sa tiyan mo pag magside ka at unan sa paa or pwede mo naman itaas silang dalawa or yong isang paa mas better at mas komportable pag ganon. Ganon kasi ginagawa ko e after ko maglinis sa umaga at maligo ng maaga. Awa naman ng diyos wala akong manas 31weeks as of today. Tsaka sis bawal ata yong may polish ka. Ako kasi pinatanggal ko yong polish ko nung nalaman kong buntis ako tapos di ko alam na bawal nagpalinis pa ko ng paa (first trimester) di ko kasi alam na bawal talaga. Pero normal naman check up ko ever since di naman maselan.

VIP Member

Tips para maiwasan o dina lumala pamamanas: +Mag paaraw tuwing umaga +Kung uupo wag nakabaluktot ang tuhod straight dapat +Wag tatayo ng sobrang tagal +Drink more more and more water +Pag matutulog elevate mo yung paa at binti pwede ipatong sa isa or dalawang unan +Iwasan ang malalamig at matatamis na pagkaen +Iwasan maligo ng hapon or gabi (iwasan din ang pagbababad pagnaliligo) +Mag pajama at medjas pag matutulog para di mapasukan ng lamig (mag tsinelas kahit nasa loob ng bahay) +Iwasan pag tulog ng hapon o tanghale +Ibabad sa maligamgam na tubig namay koting asin ang paa hanggang binti Base lang po yan sa mga nabasa ko at sa mga payo ng mga kilala kong thunders 😂 effective naman siya for me.

Hi, namanas rin ako ng 2nd trimester ko. High blood kasi ako at syempre ang condition na un kapag hindi nawala ay baka pre eclampsia. Since ayoko mangyari sa akin un at sa magiging baby ko, nag low sodium diet po ako. Bawal po ang maalat. Tiniis ko po un at nagresearch po ako mga recipes para maging healthy kmi pareho ni baby. Try mo rin, mula nagdiet ako until manganak ako, hindi na ako namanas. Good luck mamsh!

Momsh,, need more water iwasan ang maaalat at lakad lakad kapo kahit sa loob ng bahay ganyan ako sa panganay ko dahil may work ako nd ako masyado nakakaalis sa pwesto ko dahil bc hindi nakakainum laki sobra,, now wala nakong work😁 kahit ihi ako ng ihi daming water lagi iniinum ko and thanks god manganganak nako this april,, walang kamanas manas ang paa ko,, ilong kolang😂😂

Nagkamanas din ako non peru kapanganakan ko na sya lumabas. Ginawa ko non is more lakad lang talaga sa morning tapos pagmalapit kanang manganak morning & aft.. Tapos wag palagi nakaupo. Kung uupo ka po lagyan mo ng patongan or try to elevate. Super effective yan based on my experience peru case to case parin ang pagbubuntis ehh di pare-pareho. 😊👍

lakad lakad lang po pag matutulog kapo lagay sa langis and itaas mo sa unan sandalan ako 33weeks na walang manas dati nung mga ganyang weeks namamanas paa ko din inagapan ko agad lakad lkad lagay langis at lagi nakataaa paa pag matutulog may sandalan ba sana makatulong mas ok kung mag tsinelas ka lang ng manipis para naiinitan din po paa mo pag nag lalakad

Normal naman ang magkamanas dahil yung blood natin dina masyado makadaloy dahilan sa lumalaki ang tyan. Advice k lang base sa naranasan ko itaas nyo po paa nyo kahit nakaupo or nakahiga, pangalawa try nyo watermelon nakakatulong sya sa pagbawas ng manas, and of course more water Mommy. Ipamassage din nyo po ng light yung paa nyo para mabawasan ng sakit.

@ 35 wks don lang po ako nagkaroon ng manas sa paa, lumalabas lang sya kapag nakaupo ako ng matagal, pag nilakad lakad ko mawawala naman sya agad at pahumiga din po ako wala din..Mag water therapy po kayo moms da best po ang tubig sa buntis at kahit lakad lakad lang sa bahay di ka po gaanong magmamanas..

31 weeks na po ako at lagi din akong nakaupo dahil sa work ko, advise din ng OB ko na wag masyadong mag physical activity ngyon kasi maliit ang baby ko to avoid preterm labor pero wala akong manas. Avoid salty food lang po and sodas, drink a lot of water and elevate your feet.

Sis mas maganda lagi nakataas yung paa mo pag naka upo ka, kuha ka pa isang upuan dun mo itaas yung mga paa mo, kasi pag naka baba yung paa di nag cicirculate yung dugo natin...ako di ako gaano nagmamanas pag buntia ako kasi lage kong tinataas yung mga paa ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles