27 weeks pregnant
Nadulas ako the day after ng CONGENITAL ANOMALY SCAN ko. Yung pagkakadulas ko slow motion. Paupo un bagsak pero di naman malakas impact. Nagalusan lang ako ng konti sa binti. After nun, wala naman ako naramdaman na kakaiba kasi matagal na mejo masaket un mga tuhod, balakang, tuhod at buo lower part ng body ko since nabuntis ako...
May effect kaya sa baby ko un pagkakadulas ko? Kasi diba andami nagsasabi na nagkakaron daw ng bingot or pwede mabungal un mga baby pag nadulas un mother while pregnant?
Pwede pa ba magka cleft pakate un baby after 27weeks? Kasi based sa results ng CAS ko okay naman lips ni baby...
Okay naman un result ng CAS ko kaya mejo panatag na loob ko. Pero simula nun nadulas ako nagworry na naman ulit ako ng sobra sa status ng baby ko. Pero magalaw naman siya sa tummy ko ngayon.
P. S.
Kinausap ko na OB ko. Pinainom niya lang ako ng duvadilan 3x yesterday until today tapos update ko daw siya if meron ako naramdaman na something.