Low hemoglobin

26 weeks pregnant FTM Hi po mga ma, mababa po ba masyado ung hemoglobin count ko? Ano po ba ang normal count? Sabi po kasi ng OB ko mababa daw sya. 3 months na ako nagttake ng hemarate pero mukhang di nag effect kasi mababa pa rin yung count base sa latest cbc. Di naman po ako nahihilo, parang normal naman po ang feeling ko. Ano po ba ang possible na effect nito kay baby pag mababa ang hemoglobin ko? Thanks po sa mga sasagot. ☺️ #firstbaby #pregnancy #1stimemom #advicepls

Low hemoglobin
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag mababa po ang hemoglobin mo ikaw po mahihirapan di ko lang sure kung ma apektuhan po si baby pero si baby ko po kasi ngayon okay naman po siya nung nilabas. Ganyan din po ako before manganak di naman ako nahihilo or what. Pero after ko po manganak nagpapalpitate ako tas sobrang bilis ng tibok ng puso ko kahit konting galaw lang. kaya po ang nangyare sakin una binigyan nila ako ng iron supplement kaso di pa rin po tumaas hemoglobin ko so ang last choice po is sinalinan ako ng dugo. Kaya mas maganda po sana magawan pa ng paraan para tumaas po hemoglobin mo bago ka manganak. Isang beses lang po kasi ako nag cbc kaya di na namonitor ung hemoglobin ko.

Magbasa pa
3y ago

thank you po 🙂 nagpa ferritin test po ako, normal naman daw po. next cbc ko po is iccheck daw ulit kung mababa parin yung hemoglobin. kapag mababa parin magiinject na po ako ng iron.