rant about smoking neighbors

26 weeks pregnant po and nakatira sa apartment for 2 months. ok naman po kaso ang mga kapitbahay walang habas na mag sigarilyo. napakasakit po sa ilong plus naiisip ko pa na masama ang epekto nito sa baby ko. sinabihan ko na ang may ari ng apartment at sinabihan na daw nya ang mga kapwa tenants pero patuloy pa rin. napaka insensitive ng maraming tao sa mga buntis, napaka hirap naman din magreklamo dahil masasabihan ka pa na maarte at maselan. baka masabihan pa na walang pakkisama. kami pa ba ang mag aadjust eh policy na nga dito na no smoking? haaay. mga tao nga naman, walang pakialam sa buhay ng iba basta makapag bisyo, di alam perwisyo na

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kahit hindi po buntis. Dapat sa loob ng bahay nila ibuga yung mga usok ng sigarilyo nila. Ganyan din mga kapitbahay namin. Apat na taon na nila kmi pinepeste, kinausap n ng maayos, kinausap na mga asawat kpatid nila pra kaht ppano pkiusapan dn sila, wala prin. Tlgang nananadya. Nakakapagod na ang sakit sa dibdib ng nalalanghap na usok. Ang katwiran nila, nasa tapat naman sila ng bahay nila. Hnd ko alam kung maaksyunan ba ng brgy officials yung gntong reklamo.

Magbasa pa

nako sis napakaraming ganyan... sa amin, ung nangungupahan sa min lintik din magyosi e nung nbuntis ako ang lupit sa amuyan ng ilong ko, pag sinabihan xa pa ang galit. e ang msaklap mas kawawa tayong 2nd o 3rd hand lalo na baby ntin n nsa tyan pa lang kesa sa knila... haaayyy mga tao nga naman, sabihan mo nlng po pag mukang good mood para di magalit. di naman xa mpeperwisyo e

Magbasa pa

same here sis may tindahan kasi kami. palagi akong ina asthma tuwing madaling araw kapag nakalanghap ako ng usok ng sigarilyo. buhat nun sinasabihan KO na mga bumibili na Hindi na pwedeng makisindi alam naman nila na bawal sa batas yun bakit Hindi sila marunong sumunod. pro meron talaga matitigas ang ulo may mga dalang lighter at sa harap KO pa mismo nagsisindi. haay.

Magbasa pa

Nasa labas ba cla ng apartment nila habang nagsmoke? if yes pwede mo cla ireklamo. Bawal tlga satin yan sis. hayaan mo kung sabihan kang maarte dahil iniisip mo lng yung kalagayan ng baby mo. napaka inconsiderate nila. 😒

VIP Member

kunan nyo po pictures o videos para proof yung di halata para evidence din, ireklamo mo na sa brgy yan bawal naman na sa batas yan, napaka delikado pa sa inyo ni baby wag mo pabayaan kawawa si baby paglabas...

Well yung husband ko naninigarilyo din but he knows na kapag kasama nya hndi sya pwedeng manigarilyo dahil alam nyang masama sa bata. So hopefully lahat ng tao ganyan, asawa man o hindi asawa.

kausapin mo momshie ng harapan. at pkiusapan cla kc preggy ka at sna maintindhan un nila. kasi ung bisyong gnyan di yan nla maiiwan na ehh. unless mgksakit n sila.

VIP Member

nakakainis nga yung ganyan alam naman nila na preggy makakasama sa baby. dito nga sa loob pa mismo ng kwarto ako nalang nag aadjust lumalabas nalang ako

VIP Member

hnggat kaya mong umiwas sa usok ng yosi nila umiwas ka sis.. may mga tao talagang pasaway. handa ka lagi ng face mask

VIP Member

Iwas ka nalang momshiee. Bawal talaga sayo yan. Ako naman nagtatakip ako lagi . or mag mask ka nalang po