26 Replies
Pwede naman.. basta paminsan2x lang mommy, taas masyado sugar niyan. Much better pa rin kung water. Pero minsan nakakaumay na rin kasi kaya hanap ng ibang lasa. Try mo apple juice basta check mo yung label na naka pasteurized.
Pwede naman po mommy kung crave na crave ka talaga as long as you take it in moderation and madalang lang. Mataas kasi ang sugar content nyan and caffeine cantent also dahil it's milk tea.
hello po mamsh, mas maganda po kung maternal milk na lang po intake mo. kasi may mga content ang mga ganyang inumin na pwedeng makaapekto kay baby😊
pwede naman po basta huwag lang madalas and in moderation pa rin po kase mataas ang sugar content ng commercial milk tea
if kaya tanggihan/ iwasan better. mataas po kasi sa sugar ang mga ganyang ready to drink beverages 💙❤
hindi po nakakalaki po yan sa baby, more water lng po momshie ok naman daw po malamig sabi po ni ob q..
Kung nagcacrave ka mommy, pwede naman basta wag lang po palagi inom kadin ng water after hehe.
Yes pwede po pero wag po palagi at inom kayo ng maraming tubig after kasi matamis po yan.
High in sugar po yan. Better wag po mna kayo uminom ng milk tea
Pwede naman pero sobrang bihira lang dapat kasi ang taas ng sugar nyan.