20 weeks pregnant wala pang prenatal check up

20 weeks pregnant napo ako and hindi pa po ako nakakapag prenatal check up, nung 1sr trimester sobrang selan ko po tapos napaka tamad ko kaya dirin po ako nakakapag pa check up, di naman po ako kumakain ng bawal, mostly fruits and vegetables po kinakain ko, umiinom din po ako ng milk ang pregnant and in my 19weeks randam na randam ko na ang likot ng baby. Healthy naman po sya non diba? worried lang po ako kasi till now wala pa po pre natal.#1stimemom #advicepls #pregnancy

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mii. Pacheckup ka na agad para mabigyan ka ng tamang vitamins depende kasi yan sa situation nio ni baby. I know what you feel kasi ako last year naconfirm ko lang na preggy ako 20weeks din. Lahat kasi ng pt ko false negative. So ayun nga syempre hindi ako nakatake ng folic acid pero nagcatch up naman ako sa vitamins at laboratories since then. Need kasing malaman kung mataas ba ang sugar mo, high blood ka ba, mababa ba dugo mo, may uti ba at need magamot agad kung ano mang problema meron. Lalo na baka low-lying placenta ka, risky yan at need yan magbed rest at no sex contact. Magandang malaman mo situation nio para malaman mo mga do's and dont's. Nanganak naman ako ng healthy baby boy via normal delivery. Hoping na kayo rin ni baby mo. God bless🥰

Magbasa pa