Hugs mommy! π« Wala akong masabi sa sakit na pinagdaraanan mo ngayon. Siguro sa sitwasyong ito, sa inyo po naibagay 'yong kasabihan na "Forgive but never forget", masakit po kasi talaga 'yong nangyari, siguro naging traumatic pa nga sa part mo. Nasira din ang tiwala mo sa kaniya, kaya how can a mere stranger like me help you? Nakausap mo na po ba si hubby mo tungkol dito? Iniiwasan niya po ba ang mga tanong patungkol doon sa nangyari na 'yon? Nag-seek na po ba kayo pareho ng professional advice? Mukhang kailangan niyo pong dalawa iyon to fix your relationship. Pero Mommy, fighting lang and pray. Walang sugat na hindi naghihilom. Totoong mahirap at matagal ulit na ibalik ang nasirang tiwala kaya wala akong masabi kundi isangguni mo lahat kay Lord ang mga hinanakit...in time...kahit paunti-unti...makakaya mo ring magpatawad at magtiwala muli sa hubby mo. I pray for your strength and happiness, mommy! God bless you! β€οΈππ«
Madali po talagang mag-forgive pero yung forget ang mahirap. Embedded na po sa utak iyan kahit ano pang mangyari maliban kung magka-amnesia ka. Talagang maiisip at maiisip mo iyan kahit napatawad mo na si Hubby, especially napakasakit talaga ng ginawa niya. Subukan n'yo po kayang magbakasyon kayong dalawa at pag-usapan uli iyan. Siguradong may hindi ka pa nasasabi sa kaniya kaya may nararamdaman ka pa ring sakit. Once na ma-settle ninyo iyan, maaalala mo pa rin yung nangyari pero hindi na yung sakit.
Ang hirap niyan, ayaw kita mag overthink pero imagine, sa isang iglap pwede ka niyang iwan ng ganon-ganon lang. Sorry pero pag ganyan, ang hirap magtiwala at makalimot. What if gawin niya ulit? May anak ba kayo? Or kasal? Kung wala naman at hindi kasal, mas maganda pang i-let go na lang, bago pa ikaw ang i-let go ng biglaan. SAKIT.
kung sakin yan mhi sori pero mahirap na tanggapin. mdali magpatawad pero mahirap makalimot. if aq nasa stwasyon mo and nabalik lht ng ginawa nya cguro papahinga muna aq and maghiwalay muna. mhirap ung gnyan mhi na nagssama kayo pero hindi tahimik isip mo.
are you married mommy? if you are married don't give up on your relationship. pray consistently po and you will find peace. talk to him regularly. if not married po, it's not too late to end the relationship
Gantihan mo para matuto π kahit flirt lang sa iba ng maranasan nya. habang sya mahimbing tulog , ikaw nagooverthink. PARANAS MO SA KANYA!!!!!! Hindi pedeng ikaw lang ang stress.
mahirap mag forget .. pero kung gusto mo talagang maayos ang relasyon niyo , wag mo nalanv sabihin sa knya . bagkus iparamdam mong mahal mo siya .
AKO po matagal mag patawad mhiee. I'm so sorry ..
roxan cena