Ayaw ba ni baby sakin?

2 weeks old na po si lo ko pero bat ganun ayaw nya sakin pag binubuhat ko sya FTM here gusto nya kay lola at daddy nya lang pag sila ang magbubuhat bilis matulog pag ako na wala na puro na sya iyak nagagalit lip ko kasi di daw ako marunong magpatahan then si mama din inaano ako na di daw ako marunong magpatahan huhuhuhu naiiyak ako kasi #1stimemom ako and never pa ko nagbuhat ng baby kaya di talaga ako marunong, di ko din alam kung anong tamang pagsuot ng damit at mag change diaper di din ako tinuturuan ng mga kasama ko dito sa bahay lagi nalang sinasabi sakin ni mama nag anak pa daw ako di naman daw ako marunong huhuhu bat ganun mga mamshies #advicepls ! Wala talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob. Minsan napapaiyak ako kasi ayaw ng baby ko sakin, di din sya pinapatabi ni mama sakin kesyo baka madaghanan ko daw, since nung nanganak ako netong Dec 03 lang di ko pa sya nabubuhat or natatabihan matulog kasi mahina pa ko nun at hirap pa ko gumalaw dahil sa tahi ko pero ngayon medyo malakas na ko pero ayaw pa din ipatabi ni mama sakin si lo ko, mix feed po sya kasi po inverted po nipples ko so pump lang po ako. Minsan nakita ko si mama na nilalabas nya yung boobs nya para ipadede kay lo ko minsan naasar ako eh bat ganun? Naiinis ako kay mama na ewan as in nanay ko po sya ah! Naiinis ako kasi baka kaya ayaw mag dede sakin ng lo ko kasi si mama pinapa suck nya nipples nya kay baby then yung smell nya sanay na sanay na si baby ko , pag dating sakin ayaw nya ko! Ayaw nyaa ng nipples ko! Nga mamsh pa help po pahinging advice po. Salamat po sa mga nakakabasa! Time check po 1:10am di po ako makatulog laging ganito napapaisip naiiyak nalulungkot ako

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

up